<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 09, 2008

Marimar's last week!

HULING linggo na ng Marimar next week at isa si Sheena sa mga kasama sa cast na mas nakilala dahil sa telenovela.

Nararamdaman niya ang biglang pagbango ng pangalan sa fans at producer, dahil “Monica” ang tawag sa kanya (name niya sa show).

Pati si Mother Lily Monteverde, knows na siya’t isinama pa sa cast ng Love is All that Matters bilang ka-triangle nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Muli siyang pinapirma ng kontrata sa GMA Artist Center for two years at ang balita, kasama siya sa Dyesebel bilang isa sa mga sirena na kabigan ni Dyesebel (Marian).

Aminado si Sheena na nahirapan siya noong may conflict sina Marian at Katrina dahil pareho niyang kaibigan ang dalawa.

Kaya, natuwa siya sa nalamang okey na naman ang mga ito at pinasalubungan nga ng Hello Kitty jacket ng huli ang una.

Hindi namimili ng role si Sheena at kahit kontrabida, kanyang tinatanggap.

Sabi niya: “Kumportable ako sa contravida roles at okey lang sa akin ’yun. Dapat maging proud ako’t du’n ako nakilala at nag-i-enjoy din naman ako.”

Dream ni Sheena na gumawa ng isang rom-com project o romantic-comedy, pero wala siyang maisip na puwede niyang makapareha if ever.

Gusto niya bago at wala pang ka-loveteam para hindi siya muling maakusahang nang-aagaw ng kapareha. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites