<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, March 29, 2008

Mike Tan ’di insecure kay JC

KAHIT hindi niya aminin, sigurado kaming malaki ang pasasalamat ng StarStruck discovery na si Mike Tan sa manager ng Studs na si Noel Ferrer.

Paano ba naman, sa tulong ng grupo nila nina Edgar Allan Guzman, Felix Roco, Coco Martin, Dion Ignacio at JC Cuadrado, kahit paano’y nadaragdagan ang raket ng actor, mereseng paisa-isa lang ang assignment niya sa Kapuso Network.

Obserbasyon kasi ng marami, napag-iiwanan na si Mike ng iba pang GMA regulars, gaya nina JC de Vera at kung sinu-sino pa.

To think na homegrown talent siya ng Siyete at Ultimate Survivor pa gaya ng isa pang ’di gaanong active na si Ryza Cenon.

Pero, sa sobrang bait ni Mike, wala kang maririnig na reklamo although minsan, nade-depress din daw siya’t nagwi-wish na mabigyan ng mas challenging role.

Sa kabila nito, happy naman daw siya sa natatanggap na “blessing” mula sa home studio.

Tama na raw sa kanya na kahit paano’y nabibigyan pa rin siya ng trabaho, gaya ng maikling papel sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita at Maging Akin Ka Lamang, lalo pa nga’t breadwinner siya ng pamilya.

Never din daw niyang in-entertain ang ideya na lumipat sa kabilang TV channel at kailanman ay hindi mai-insecure sa mga kapanabayan.

Speaking of Studs, kamakailan lamang ay ni-launch ang instructional exercise video ng grupo na tinawag na Body Buddies: The Body Circuit Workout.

Ang nasabing workout video ay produced ng Videoflick Productions kasama sina Sheena Halili at Kris Bernal.

Dahil summer na, very timely ang paglabas nito’t malaking tulong sa mga nais maging fit at trim ang katawan.

Ang group exercise trainer na si Paolo Sason ng Gold's Gym ang nag-develop ng light workout.

Ngayong March 29, nasa Ever Gotesco Commonwealth ang Studs para i-promote ang Body Buddies: The Body Circuit Workout. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites