<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 16, 2008

More on Marimar

PAGKATAPOS ng wedding ceremony sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila, noong March 10, sa Studio 3 ng GMA Network Center sa Quezon City naman ginawa ang reception ng kasal nina Sergio Santibañez (Dingdong Dantes) at Marimar Perez/Bella Aldama (Marian Rivera) last Mar. 14 at nagsilbing final episode ng Marimar.

Maganda ang ayos ng Studio 3 at pati sa labas ng studio kung saan umabot ang maraming bisita, pinuno ng iba’t iba at naggagandahang bulaklak ang paligid.

Hindi lang ang napakagandang ayos ng studio ang umagaw ng pansin sa mga bisita, pati na rin ang five-layered cake ni Heny Sison.

Ayon sa supervising producer na si Cheryl Ching-Sy, more than P2 million ang nagasta ng GMA-7 sa wedding scene hanggang reception at hindi kasama ru’n ang ibang ginamit na libreng ibinigay ng mga supplier.

Naglagay ng malaking vidiwall sa loob at labas ng studio para mapanood ng mga bisita ang ending ng Marimar. Bitin ang mga ito kapag pumapasok ang commercial.

Ilang beses nagpalakpakan ang mga bisita, lalo na sa eksenang nagpapambuno sina Marimar at Angelika (Katrina Halili), nu’ng mahulog sa helicopter ang huli at nu’ng kainin siya ng mga buwaya.

Pinalakpakan din ang pagpasok nina Marian at Dingdong sa stage at gaya sa wedding ceremony sa simbahan, walang tigil ang kanilang yakapan at halikan kahit commercial gap.

Nagdududa na tuloy ang ibang press na tinotoo ng dalawa ang kanilang onscreen tambalan.

Umiyak si Marian, pero between her and Dingdong, mas emotional ang actor at mas matagal ang iyak kesa sa actress. Pati ang mga tao sa studio, nakiiyak din na para bang totoong kasalan ang kanilang dinaluhan.

Pagkatapos noon, tinawag ang buong cast at nakitang bati na talaga sina Marian at Katrina, dahil magkatabi na’y nag-uusap at nagbibiruan pa.

Nagtapos ang okasyon nang magsayaw ang mga bagong kasal at sinundan ng pagti-table hopping nina Marian at Dingdong para makasalamuha ang kanilang mga bisita.

Nang tumapat sila sa mesa kung saan nakapuwesto ang pamilya ni Dingdong, itinuro ng actor ang kanyang ina at kapatid na dalaga.

Ang pilyang bati ni Marian, na ipinagtaka ng mga nakarinig, ay “Hi, Ate” at “Hi, Mom,” pero hindi na lumapit para bumeso dahil sa sobrang sikip ng daraanan.

Sayang nga lang dahil sadyang hindi pinadalo ni Marian ang lola niyang nag-alaga sa kanya. Ayon sa manager nitong si Popoy Caritativo, talagang ayaw papuntahin ng aktres ang grandmother niya dahil malamang na ma-distract lang siya.

Kahit daw kasi gaano karami ang tao at kahit gaano kagulo, ugaling-ugali na ni Marian na sa lola lang ang focus niya. Eh, since live presentation ang reception, baka raw mawala ito sa sarili kapag nakita ang minamahal na lola sa audience.

Samantala, bukod kina Richard Gomez, Gabby Eigenmann, Manilyn Reynes at Sheena Halili, umani rin ng pinakamalakas na palakpakan si Katrina. Standout ito sa support cast dahil sa flaming red na kasuotang made of fiber glass ang hugis ng katawan.

Demonyitang-demonyita ang dating ng hitad hanggang sa reception, ha. Har, har, har!

Sina Nadine Samonte at Fifi lang, alagang aso ni Angelika, ang wala sa cast.

Kumpleto ang production team, na pinangunahan ng GMA exec na si Lilybeth Rasonable, directors Joyce Bernal at Mac Alejandre. Wala ang ibang bossing ng Siyete, gaya nina Redgie Magno at Wilma Galvante, dahil nasa Las Vegas para sa Pacquiao-Marquez rematch, na nakatakdang ipalabas sa Kapuso Network ngayong Linggo.

Hindi naman umabot ang dapat sana’y souvenir item na ipamimigay sa guests, isang sosyal na wedding album, na talagang ipinasadya pa ng GMA-7.

Saglit namang lumabas ang mga “bagong kasal” para personal na magpasalamat sa mga tagasuportang may sariling dining area sa driveway ng GMA Network Center building.

Hindi nagawang magtagal sa labas ng dalawa dahil hindi maawat ng security ang pagkakagulo ng fans na gustong magpa-picture kasama sila.

Sa gitna ng pagkakagulo, namataan ng isang kasamahan sa panulat ang madaliang paghuhubad ni Marian sa mga suot na alahas dahil any moment nga nama’y puwede itong malaglag at mawala.

Umuwi kami’y, hindi pa tapos ang pakikipag-picture taking ng mga bagong kasal sa kanilang mga bisita sa bawat table. Kulang na lang ang ibang seremonyas na ginagawa sa wedding reception at masasabi nang tunay na kasalan ang naganap.

Samantala, may huling hirit ang Marimar this Sunday, pagkatapos ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, para sa mga hindi nakapanood ng finale last Friday.

Ipalalabas ng ilang footages ng telenovela at ire-replay ang madramang kasalan nina Sergio at Marimar. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites