<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, March 19, 2008

Mura, ibinuking ang panlalalaki ni Mahal

UNANG nakilala si Mura sa ABS-CBN sa now defunct noontime show na Magandang Tanghali, Bayan kung saan nakasama pa niya sa programa ang isa pang bulilit star na si Mahal.

Pagkaraang magsara ang programa, nalipat naman siya sa GMA Network kung saan umapir siya sa mga programang Majika, Super Twins, Mga Mata ni Anghelita at Magic Kamison.

Pero kahit napapadalas ang TV appearance niya sa Kapuso Network, wala raw siyang tampo sa istasyong nagbigay sa kanya ng break sa telebisyon. Sabi ni Mura, naghihintay lang siya ng project sa ABS-CBN.

Hindi rin daw siya apektado sa network war ng dalawang TV giants. Sa katunayan, may sisimulan na naman siyang project sa GMA, ito ‘yung Tasya Fantasya na pagbibidahan nina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.

Katatapos lang niya ng Supah Papalicious (a Black Saturday presentation ng Star Cinema) with Vhong Navarro, Makisig Morales, Kit Kat at Valerie Concepcion at mula sa direksyon ni Gilbert Perez.

Laking pasasalamat nga raw niya kay Vhong na muli siyang isinama nito sa pelikula.

Kung very active si Mura sa showbiz, tila nawawala naman sa eksena si Mahal. Sa presscon nga ng Supah Papalicious, hinanap namin si Mahal sa kanya. Sabi lang ng bulilit aktor, maging siya ay hindi niya alam kung nasaan ito pero may communications naman daw sila sa pa-mamagitan ng SMS o text messaging.

“Actually, hinahanapan ko rin nga siya ng project,” sambit ni Mura. “Gusto ko rin siyang makasama. Kasi naaawa ako sa kanya. ‘Yung tatay niya na-stroke,” at ikinuwento nito sa amin na minsan nga nga raw ay walang pera si Mahal at sa kanya pa nanghihingi ng pang-load.”

May ibinuko sa amin si Mura tungkol kay Mahal.

“Eh, kilala ko si Mahal. Mahilig sa lalaki. Basta sa lalaki, mabilis siyang ma-in-love. Kumbaga, nakakalimutan niya ang lahat pagdating sa lalaki,” pagtatapat ni Mura sa amin.

Thirty two years old na si Mura ngayon at minsan na rin daw siyang na-in-love sa isang normal na babae.

“Nagka-girlfriend na rin ako dati nu’ng 17 years old ako. Bata pa ako kaya medyo wala pa akong alam. Pero namatay siya nu’ng 18 years old siya. Blue baby kasi. Nalungkot ako. Mula nu’n, hindi na ako nagkaroon ulit ng grirlfriend.”

Hanggang ngayon, aminado si Mura na crush pa rin niya si Angel Locsin. Kaya tuwang-tuwa raw ang binata nang makasama si Angel sa Majika ng GMA.

“Super-bait niya,” sambit niya. “Nu’ng makasama ko siya, tuwang-tuwa ako. Sabi ko kay Angel, dati napapanood lang kita, ngayon nakasama pa kita. Sana lang makatrabaho ko ulit siya.” [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites