<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, March 28, 2008

Richard Gutierrez handler dapat turuan ng leksiyon

Kababalik lang namin noong Martes (March 25) ng hapon galing Nagoya at Tokyo, Japan kung saan naging matagumpay ang kauna-unahang joint event ng IPS Job Fair at Access TV Grand Launch ng GMA Life TV (QTV sa Pilipinas) na dinaluhan nina Richard Gutierrez at Jewel Mische ng top-rating TV series na Kamandag at ng top entertainment writer/editor ng Philippine Star at host ng The Ricky Lo Exclusives on QTV na si Ricky Lo at isa sa mga directors ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na si Nini Lanto.

Umalis ang aming grupo patungong Nagoya, Japan nung nakaraang Good Friday (Biyernes Santo) kung saan unang ginanap ang event sa Design Hall sa Nagoya.

Mula sa airport ay kumain muna kami ng dinner bago kami nag-check in sa Princess Garden Hotel sa Nagoya na walking distance lamang sa pinagdausan ng twin events noong Sabado, Marso 22.

Alas-onse ng umaga nagbukas ang venue at tumagal ito hanggang alas-sais ng gabi. Click pareho sina Richard at Jewel sa ating mga kababayan sa Japan dahil napapanood doon ang Kamandag.

Very warm at accommodating pareho ang dalawang stars ng Kamandag at pinagbigyan nila halos ang lahat na dumalo para sa picture taking at autograph-signing.

Isang oras at kalahati lamang ang biyahe ng bullet train mula Nagoya hanggang Tokyo. Ang nakakapang­hinayang lamang, hindi na nakita ng grupo ang Mt. Fuji dahil gabi ang biyahe.

Nasa likod lamang namin nina Ricky at POEA director Nini ang upuan nina Richard at Jewel sa loob ng bullet train kaya panay ang kantiyaw namin ni Ricky sa kanila.

Parehong walang ere sina Richard at Jewel kaya hindi kami nagkaroon ng sakit sa ulo sa kanila di tulad ng kanilang handler na nagngangalang Carol Reyes. Witness sina Ricky at Ms. Lanto kung gaano kagas­pang ang ugali ni Carol na tinalakan ni Annabelle Rama sa telepono na tumawag galing Amerika nang magsumbong sa kanya si Ricky.

Sa unang araw pa lamang ng aming stay sa Japan ay ipinaalam ko na sa lahat na maghu-host ng dinner ng March 24 ng gabi si G. Koji Miyashita, ang big boss ng IPS na siyang broadcast carrier sa Japan ng GMA Pinoy TV, GMA Life TV, Fox Channel at dalawang radio stations, ang DZBB at Barangay LS-FM. Alam ko rin na kaya nag-extend ng isang araw sina Richard at Jewel ay sa dahilang gusto nilang mamasyal sa Tokyo Disneyland.

Sa Maynila pa lamang ay si Mr. Chuck Silva na ang aming kausap (from GMA side) at siya na ang bahalang mag-relay sa lahat. Naunang dumating ng isang araw si boss Chuck sa Nagoya at nauna rin siyang bumalik ng Pilipinas galing Tokyo nitong Lunes. Pag-alis niya ng early Monday morning, tinawagan ko si Carol sa kanilang hotel room na may susundo sa kanila sa lobby ng Villa Fontaine Hotel (Siodome) sa Tokyo ng 9 a.m. para dalhin sila sa Disneyland.

“May magdadala na sa amin sa Disneyland,” ani Carol.

Pinalagpas namin ito at sinabihan siya na bumalik na lamang sila ng hotel by 7:00 p.m. in time for the dinner with Mr. Miyashita.

“May dinner si Chard (Richard)! ’Di ba free day naman namin?” sagot nito na parang kung sino lang ang kanyang kausap.

Cool pa rin ang inyong lingkod. “Paano ’yung pagpunta n’yo sa airport bukas?” tanong ko sa kanya.

“Ah, ’yan ang wala. Sabi ni Chuck, ikaw na ang bahala dahil kasabay ka naman namin,” wika ng handler.

Kung may respeto si Carol, dapat man lamang sana ay ipinaalam niya sa akin na may makakasama na pala sila sa Disneyland at hindi rin sila makakasipot sa dinner hosted ng chairman at CEO ng IPS. Disin sana’y hindi na ako namrub­lema sa paghahanap ng kanilang makakasama that day. Tinawagan ko pa ang big boss ng IPS na si G. Miyashita na nasa Osaka that time para lamang ipahiram ang kanyang Mercedes Benz at isang IPS staff para ipagmaneho sila papuntang Tokyo Disneyland pero kung kelan nasa harapan ng hotel ang driver dala-dala ang sasakyan ni G. Miyashita ay saka ko lamang nalaman na meron na pala silang makakasama sa Tokyo Disneyland.

Sina Richard, Jewel, Ricky, at director Lanto ay mga bisita ng IPS kaya nag-host ng (despedida) dinner si G. Miyashiita sa isang mamahaling restaurant sa Roppongi nung March 24 ng gabi. By reservation ang nasabing restaurant kaya kailangang i-confirm ang total head count ng maaga.Siyempre, ini-expect ni G. Miyashita sina Richard at Jewel na siyang star representatives ng GMA-7.

Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ng IPS big boss nang hindi makarating ang dalawa dahil kasama sila sa mga honorees nung gabing iyon. Sinabi ko na lamang sa kanya na nasa Disneyland pa ang mga ito. Lumabas tuloy na inisnab nina Richard at Jewel ang kanilang host sa Japan.

Habang binabagtas namin ang highway patungong Narita Airport, nalaman namin kay Richard na hindi pala niya commitment ang dinner na kanilang pinuntahan kundi kay Carol. Mas pinaboran pa ni Carol ‘yung personal niyang commitment kesa sa host na siyang business partner sa Japan ng GMA.

Kami nga ni Ricky ay maraming kaibigan sa Tokyo na gustong mag-imbita sa amin at kasama na rito sina Jobelle Salvador, Marlene dela Peña at Bobby Valle pero dahil wala na kaming oras, hindi na namin sila napagbigyan. Pero kahit papaano ay nakausap namin sa telepono si Jobelle.

Sa venue sa Nagoya, narinig ni Ricky na sinabihan ni Carol sina Richard at Jewel na 15 minutes lamang sila sa picture taking at pag-autograph pero ito’y kinontra ni Ricky dahil tiyak na magtatampo ang ating mga kababayan na (mga subscribers ng GMA Pinoy TV) na nag-effort na makarating sa venue para lamang personal na makita at makamayan sina Richard at Jewel.

Totoo pala ang kasa­bi­han na ang langaw ka­pag tumungtong sa kala­baw ay mas mataas pa ito sa kalabaw. Feeling ni Carol ay kung sino siya kung mag-aasta. Sana malaman ito ng pamu­nuan ng GMA at i-repri­mand si Carol para hindi na ito maulit sa ibang lugar at sa ibang host na kaniyang binastos.

Mula Amerika ay tumawag sa amin si Annabelle at sinabi nito na una’t huli na umano ni Carol na sumama sa biyahe sa kanyang anak na si Richard. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites