<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 02, 2008

Robin Padilla ipinagdadamot pa rin sa press ang anak

INIIWAS munang ipainterbyu ni Robin Padilla ang anak na si Kaylie, gumaganap ng mahalagang papel sa pinagbibidahan niyang Joaquin Bordado ng GMA Network, dahil pilipit pa itong magsalita ng tagalog.

Gustong iharap ni Robin ang panganay na anak sa entertainment press kapag tuwid na ang pananagalog nito. Kaya in between tapings ng Joaquin Bordado, sumasailalim sa tutorial si Kaylie.

Isinilang at lumaki sa Australia si Kaylie kaya understandable kung bakit baluktot itong managalog.

Ngayong nasa showbiz na rin siya, tuluy-tuloy na ba ang kanyang pag-aartista?

"Nasa kanya ‘yun,” sagot ni Bi-noe. “Kasi, hindi naman ako ang may gusto niyan. Lahat ng mga anak ko na gustong mag-artista, gusto nila 'yon, ako, sumusuporta lang. May blessings ko sila. Hindi ko sila pipigilan for as long as nagi-enjoy sila sa kanilang ginagawa.

“Right now, hindi ko pa muna pinapakausap sa press si Kylie, kasi gusto ko pang matuto siyang mag-tagalog para mai-express n’yang mabuti ang kanyang sarili.”

Minsang dumalaw kami sa set ng Joaquin Bordado sa NTC office sa Roces Avenue, naabutan naming sumasailalim sa training si Kaylie. Enjoy kaming panoorin ang bagets dahil kuhang-kuha nito ang bilis ng mga galaw ng ama.

“Ang galing niya. At her age, expert na si Kaylie sa martial arts. Hindi kami nag-kakamaling isama siya sa ‘Joaquin Bordado,” admits Joseph Buncalan, the show’s executive producer.

Robin is indeed happy for his daughter Kylie. Lalo na ngayong naipapakita ng anak ang kahusayan sa na-pag-aralang martial arts.

Kylie is already an expert in arnis, knife, sword, muay thai at boxing.

Binoe admits: “Happy ako for my daughter. At least, kayang-kaya na niyang idepensa ang kanyang sarili.”

Joaquin Bordado airs weeknights after 24 Oras sa nangungunang Telebabad Block ng GMA-7.

Mula pa rin ito sa mag-katuwang na direksyon ni-na Mac Alejandre at Argel Joseph. Aside from Robin at Kaylie, kasama pa rin sa serye ang Hollywood beauty na si Iza Calzado. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites