<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, March 11, 2008

Robin Padilla minamasahe ni AiAi delas Alas

Wala naman palang malisya ang kissing scene nina AiAi delas Alas at Robin Padilla. Hindi rin dapat pag-isipan ng masama kung minamasahe man ng comedy concert queen ang original bad boy ng pelikula during their shooting break.

At kung dinadalhan man ng pagkain ni Robin si AiAi, wala rin daw dapat ikabahala ang asawa ng actor na si Liezel at mga anak nila.

Normal daw lahat yun sa isang magkaibigan.

As in hindi sila dapat pinag-iisipan ng masama dahil part lang yun ng kanilang closeness habang ginagawa ang pelikulang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy na dinirek ni Wenn Deramas for Viva Films.

Besides wholesome daw ang pelikula nila kaya hindi sila dapat pag-isipan na may something na nangyayari sa kanila.

Kaya nga nang sabihin ni Robin na unang nagkakakilanlanan sa kanila ay laway dahil first shooting day nila together ay kissing scene agad ang kinunan, biglang preno si Robin na pang-pamilya nga pala ang pelikula.

After daw kasi ng kissing scene na yun, mas nakilala ng actor ang kabutihang loob ni AiAi.

Anyway, isa pala si Robin sa maraming artista na hindi naniniwala sa network war. “Matagal ko nang pinapakiusap sa dalawang network ang tungkol dito. Dahil ang artista naman, trabaho lang ang hanap,” say ni Robin.

Kaya nga raw wala siyang magiging problema sa promo ng movie dahil wala naman silang pinagsamahang masama ng ABS-CBN. Maayos naman daw siyang nagpaalam sa Dos at wala naman siyang contract sa GMA 7.

At any rate, hindi pa sila tapos ng shooting ng Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy kaya malamang may ‘mangyari’ pang maganda sa dalawa. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites