<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, March 21, 2008

Rufa Mae Quinto plans on merging Victory Christian Fellowship celeb members from rival networks into one group

Sa presscon pa rin ng Manay Po: Overload, since babymaker ang role ni Rufa Mae Quinto roon ay paulit-ulit ang tanong sa kanya ng mga nagsidatingan at umalis na press people kung kaya niya nga kayang maging babymaker in real life.

Ang laging sagot ni Rufa Mae, hindi niya pinangarap--kahit kailan o sa kahit magkanong halaga--na maging babymaker kahit kanino.

"Ni dyowa ko nga noon, hindi ko binigyan ng baby, ibang tao pa?" pabiro pang dagdag ni Rufa Mae sa pagtanggi niya sa tanong as PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero sa nangyayari sa love life niya ngayon, may posibilidad bang "bumigay" siya't magka-baby sa steady date niya ngayong si Bobby Lopez?

"Anong bumigay? Binigay na," napahalakhak pa pagkatapos si Pchi, pero binawi agad na nagbibiro lang siya. "Bumibigay-bigay na rin... Hindi. Ang gusto ko talaga, if ever magkaka-baby ako, yung sa maayos na paraan. Kasal muna. Kahit ganito naman ako, gusto ko naman maayos ang buhay ko. Kung ano yung mga puwede ko pang iayos sa buhay ko, aayusin ko."

Nilinaw ni Pchi na hindi pa naman talaga niya boyfriend si Bobby Lopez, kundi steady date pa lang. "Since December, ‘tapos nitong February. Yun, pa-date-date pa lang kami. Wala pa namang masyadong seryoso, just getting-to-know lang muna."

By this time--as she revealed during her interview last Friday sa presscon ng Manay Po 2: Overload--nasa China na ngayon si Pchi taking her much-needed break from showbiz at para makita na rin ang kanyang latest inspiration na doon naman ngayon nag-o-audit.

VICTORY MEMBER. The reason din daw sa pagiging positibo at sa pagnanais ni Rufa Mae na maayos ang buhay niya ay ang pagiging seryosong Born Again Christian niya since last year.

"Every Sunday, nagpapa-Bible study ako sa bahay namin. Nag-member na ako ng Victory [Christian Fellowship]. Since last year pa," reveal ni Rufa Mae. "Matagal na namang maayos ang buhay ko, pero dahil artista tayo, may mga bagay talaga na magpapagulo, so kung ano pa yung puwedeng iayos, iaayos ko."

Kaya nga raw nung dumarating yung mga intriga't panlilibak sa kanya noon ay ‘di niya masyadong pinapansin at ‘di siya gumaganti ng tirada, kahit na below-the-belt pa ang mga tira sa kanya. Pina-practice niya lang daw ang pagiging mabuting Kristiyano niya.

Marami-rami na ring celebrities ang members ng Victory Christian Fellowship, among them, ABS-CBN's Piolo Pascual na very vocal sa kanyang faith. Gusto nga ni Pchi na i-merge ang stars from GMA-7 at ABS-CBN into a single group para nga naman makita na kahit magkalaban ang management ng dalawang network na kinabibilangan ng mga artistang miyembro ng church nila, ay magkakasundo naman sa faith at pag-celebrate sa kadakilaan ng Panginoon.

"Yun nga ang gusto ko.Para naman may pagkakaisang makita, na hindi naman porke magkalaban na istasyon, makita rin ng mga tao na magkakaibigan, magkakasundo naman talaga kami, kasi mga Kristiyano kami." [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites