<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, March 15, 2008

Rufa Mae Quinto sa HK magho-Holyweek kasama ang bagong BF

Isang masayang Rufa Mae Quinto ang nakausap ng media sa presscon ng Regal Films para sa pelikulang Manay Po 2. Masaya siya dahil nakatakda itong umalis sa Lunes Santo para pumunta ng Macau, Hongkong at China.

“Dati, sa bahay lang ako tuwing Mahal na Araw, ngayon lang ako lalabas ng bansa para magpahinga,” imporma ng seksing komedyana na hindi rin itinanggi na magkikita sila ng kanyang manliligaw na si Robert Lopez, isang German/Mexican, edad 33, senior manager in internal audit ng Mattel, na isa sa mga produktong ginagawa ay mga Barbie Dolls. Kaya Barbie ang tawag nito kay Rufa at Ken (boyfriend ni Barbie) naman ang tawag ni Rufa Mae sa kanya. Nagkakilala sila sa Hongkong .

“Hindi ko pa siya boyfriend,” pagdidiin ni Rufa Mae, “mahirap makipag-relasyon kung magkalayo kayo, parang mahina ang chance nitong mag-succeed. Pero, excited ako dahil parang iba ang feelings ko, parang bigla akong nagkaroon ng inspirasyon. Kaya nga gusto kong subukan kung makakaya ko ang long distance relationship. I’d like to give it a chance. I owe it to myself,” dagdag pa ng magaling na aktres who is once more delineating a comic role sa Manay Po 2 bilang isang baby maker. Kahit pare-parehong mga bakla ang tatlong magkakapatid na Polo Ravales, John Prats at Jiro Manio sa pelikula, gusto na ng panganay na si Polo na magkaroon ng anak at si Rufa Mae ang napili nitong magsilang ng kanyang anak.

Excited si Rufa Mae dahil first time niyang makatrabaho ang buong cast ng nasabing movie na dinidirihe ni Joel Lamangan, maliban kay Cherry Pie Picache na nakasama na niya dati. Palabas ito sa Abril l6. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites