<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, March 29, 2008

Talent searches ng Siyete, shelved muna -- Wilma

MISMONG si Wilma Galvante, GMA SVP for entertainment TV, ang nagsabing shelved muna ang lahat ng uri ng talent searches sa Kapuso Network ngayong nakatakda nang simulan ang Pinoy franchise ng sikat na American Idol, ang Pinoy Idol.

Sa April 5, pagkatapos ng Pinoy Records, na magsisimula ang naturang talent search, kaya habang umeere ito’y hindi muna mapapanood ang mga nakagiliwan nang Celebrity Duets, Pinoy Pop Superstar at StarStruck na pinauso ng Siyete.

Hindi na kataka-taka kung libu-libo ang nagnais na mapabilang sa napiling 179 contestants dahil sabi nga ni Wilma, hindi matatawaran ang mga premyong naghihintay sa tatanghaling kauna-unahang Pinoy Idol.

Kabilang na rito ang P1 million cash, brand new house and lot, brand new car, recording contract sa Sony-BMG Music Entertainment, TV contract sa GMA-7 at kung anu-ano pa.

Hindi biro ang serye ng audition na isinagawa ng Pinoy Idol team sa buong bansa, sa pangunguna ng host na si Raymond Gutierrez at jurors na sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at Wyngard Tracy.

Talagang nilibot nila ang Cagayan de Oro, Cebu, Batangas, Davao, Iloilo, Mega Manila, Dagupan at Clark para galugarin at salain ang mga nais sumali sa prestisyosong reality talent search.

Sa launch ng show sa Annabel’s resto kahapon ng tanghali, ipinakita ang mahahabang linya ng mga aplikante, pati na rin ang minsa’y nakaiiyak at nakatatawang audition episodes.

Kuwento nga ni Raymond, kung ang Bulgarian Idol ay may kakatwang “Ken Lee” auditionee, hindi rin patatalbog ang PI, dahil marami rin daw sila nito.

Ang “Ken Lee” video ay sikat na sikat ngayon sa YouTube, kung saan isang Bulgarian Idol contestant ang bumirit ng Without You ni Mariah Carey, pero imbes na “Can’t Live,” “Ken Lee” ang ginamit na lyrics.

Anyway, ang Pinoy Idol franchise ang ikatlong pagsasanib-puwersa ng GMA-7 at Fremantle, may-ari ng American Idol sa buong mundo. Nauna na rito ang game show na Whammy nina Paolo Bediones at Rufa Mae Quinto at Celebrity Duets ng magdyowang Ogie at Regine Velasquez.

Ipinagmamalaki ang Pinoy Idol bilang pinakamalaking reality talent search sa bansa dahil handog nito ang pambihirang pagkakataon para samga nagnanais na maabot ang tugatog ng tagumpay sa larangan ng pagkanta.

Sino kaya sa mga napili ang papalaring manalo? Alamin ang sagot sa pagsisimula ng Pinoy Idol sa GMA-7 sa April 5. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites