<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, March 15, 2008

Yasmien Kurdi, nagpapaka-daring

HINDI itinanggi ni Yasmien Kurdi sa presscon ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita na natakot siya nang malamang makakasama sa bagong soap ng GMA-7 ang dramatic actress na si Dina Bonnevie.

Nakarating kasi sa dalaga ang pagiging masungit at mataray ni Dina, parang si Maricel Soriano. Kaya, dobleng ingat at tahimik lang siya nang magsimula na ang taping.

“Akala ko nu’ng una, mataray at masungit siya. Nagkamali ako, dahil nang magkita kami sa taping, tinanong niya agad ang edad ko. Doon nagsimula ang pagiging close namin,” say ni Yasmien.

“Tameme ang kadaldalan ko kay Ms. D. Akala ko ako na ang pinakamadaldal. Talo niya ako. Ang sarap niyang kausap, may sense at marami kang matututunan.

“Alam n’yo bang may Lebanese boyfriend si Ms. D? Tinalo pa niya ako sa rami ng kakilala at kaibigang Lebanase.

“Grabe, ang sarap magluto ng Lebanese food ng boyfriend niya! Lahat ng pagkaing niluto nu’n, paborito ko. Ako ngang may dugong Lebanase, talbog kay Ms. D,” patuloy ng young actress.

Pagdating naman sa lovelife, hindi itinanggi ng dalaga na si JC de Vera lang ang lalaking nakakasama niyang lumabas. Pero, wala pa raw silang relasyon.

“Siguro sa rami ng nakikita kong nag-aasawa nang maaga at nakikipag-boyfriend nang batambata pa tapos maghihiwalay din, kaya ayoko munang magka-boyfriend,” paliwanag ni Yasmien.

Samantala, marami ang nag-react sa sexy outfit niya nu’ng presscon ng BADK. Bukod kasi sa braless, parang biglang lumaki ang boobs niya.

Nagpalaki nga ba si Yasmien ng dibdib? tanong ng press.

“No! Tunay po ang mga ito (sabay turo sa malulusog na boobs). Nasa lahi po namin ang malalaking dibdib. Baka nakakalimutan po n’yo, may dugong Lebanese ako.

“Kung makikita n’yo lang ang mga tita ko, hindi na kayo magdududa o magtataka pa,” walang malisyang pahayag ng dalaga. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites