<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, April 17, 2008

Adik si Ogie Alcasid!

“Adik” ang pabirong tawag ni Regine Velasquez sa boyfriend niyang si Ogie Alcasid. Adik sa trabaho lang naman, dahil hindi na sila halos nagkikita’t araw-araw may taping schedule ang singer-composer. Tuesday na lang ang free day nito, not enough para magawa nila ang movie na Love is Deaf and Blind ng GMA Films at Viva Films.

Sabagay, busy din si Regine at magiging mas busy pa sa mga susunod na araw. Puwedeng magreklamo rin si Ogie na wala na silang quality time together. Unang nagpa-busy kay Asia’s Songbird ang paghahanda at taping ng birthday special niyang The Best of Me, Regine Velasquez na mapapanood sa April 27, after Ful Haus. Galing sa composition ni David Foster ang title ng special at kinanta pa ang favorite line niya ng song.

Directed by Louie Ignacio ang birthday special at guests niya sina Ogie, Jay-R, Kyla, at may special number siya with her parents. Taped as live ang special na kinunan sa bago niyang bahay sa Ayala Hillside, kaya hindi lang ang mapapanood si Regine na kumakanta, first time ring makikita ng viewers ang maganda’t mahal niyang bahay.

Dumating sa taping ng birthday special sina Jaya (and her family); Mikee Cojuangco, Michael V., and Ai-Ai delas Alas (neighbors niya); Mr. Tony Tuviera; ang best friend niyang si Grace; Regine’s family; Ogie’s parents; direk Joyce Bernal; Marian Rivera; Isabella Gonzales; and Kuh Ledesma. April 22, ang birthday ni Regine at isa na ito sa happiest birthday niya.

Sa May 1, magsisimula na rin siyang mag-taping ng weekly musical special niya entitled, Songbird Sings (also directed by Louie) at every Thursday ang time slot nito. Excited si Regine, dahil matagal na niyang nami-miss ang kumanta.

Sa May din uumpisahan ang taping ng Kim Sam Soon for a June airing. Nabalita nang sina Mark Anthony Fernandez ang leading man niya sa role ni Cyrus at join din si Wendell Ramos. Tsinika ni Regine na kasama rin sa cast si Dr. Hayden Kho, Jr., sa role ng doctor. Sina Dominic Zapata at Khryss Adalia ang mga direktor nito. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites