<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, April 18, 2008

Da Big Show hosted by Ogie Alcasid

Bisi-bisihan talaga si Ogie Alcasid. Nasa audition pa lang ang Pinoy Idol kung saan siya ay judge, heto’t may bago na naman siyang show sa GMA 7, ang Da Big Show, ang latest noontime show ng GMA 7, na mapapanood bago mag-Eat Bulaga. Maka­katapat nito ang Pilipinas Game Ka Na Ba? Host­ed by Edu Manzano na isa sa malakas kumitang programa ng ABS-CBN ayon mismo sa isang top gun ng Kapamilya net­work. Kaya sigura­dong mala­king challenge ito for Ogie.

Ang format ng show: Naaalala n’yo pa ba ang mga larong tumbang preso, patintero, piko at labanan ng gagamba? Ano kaya ang mangya­yari kung bawat isa sa mga larong ito ay babaguhin at lilikhaing muli para umayon sa panlasa ng mga moder­nong Pinoy?

Sa naturang programa, apat na team na binu­buo ng tatlong miyembro ang maglalaban sa isang serye ng mga larong Pinoy kung saan ang mga elemento ay ginawang dambuhala.

Panoorin ang mga team na patumbahin ang isang higanteng lata habang suot-suot ang higante ring tsinelas costume sa larong Tumbang Preso.

Makikita ang pagtatapatan ng lakas ng mga kina­­­tawan ng mga team na nakasuot ng mga costume na dambuhalang gagamba habang pilit nilang inihuhulog ang kanilang kalaban mula sa tungtungang may taas na 20 feet. At tunghayan ang mga manlalaro na bumubuhat ng mga batong bola na may bigat na 30 pounds sa larong Giant Sungka.

Hmmm, parang nakakaaliw ito. Pero ang pina­ka-grabeng hamon ng Da Big Show ay sa Giant Palayok na kailangang basagin ng mana­nalong team para mapanalunan ang jackpot prize. Kung hindi nila mabasag ang palayok, idadagdag ang premyo sa susunod na araw para lumaki ang jackpot prize.

Meron din silang cheer squad na may 20 miyembro at meron silang moral support mula sa anim na malulusog na dilag na tinaguriang Da Big Girls.

Magsisimulang mapanood ang Da Big Show sa April 21, Monday, before Eat Bulaga. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites