<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, April 28, 2008

Dyesebel starts tonight

NGAYONG gabi na ang pagdating ng pinakamaganda, pinakakaakit-akit at kauna-unahang sirenang pumukaw sa puso ng mga Pilipino -- si Dyesebel.

Ang Dyesebel ay isang naiibigang kuwento at powerhouse cast na pinangungunahan ng pinakamainit na loveteam ngayon sa telebisyon -- sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang primetime hunk actor na si Dingdong Dantes ang gaganap sa karakter ni Fredo -- ang mayaman, guwapo at sikat na multi-media mogul .

Ang versatile actress naman na si Marian Rivera ang siyang gaganap bilang pinakamaganda at pilyang sirenang gagawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig, si Dyesebel.

Kabilang sa mga obra ni Mars Ravelo ang Dyesebel na nilikha noong 1950s para sa komiks at ‘di naglaon ay ginawang pelikula.

Nagkaroon ito ng ilang bersyon kung saan ang mga artistang tulad ni Edna Luna, Vilma Santos, Alma Moreno, Alice Dixon at Charlene Gonzalez ang mga napiling gumanap bilang Dyesebel.

Inaasahan din na mapapantayan ni Dingdong ang galing ng mga beteranong aktor na gumanap bilang Fredo, ang lalaking mamahalin ni Dyesebel. Kabilang sa mga aktor na gumanap bilang Fredo ay sina Jaime dela Rosa, Romeo Miranda, Matt Ranillo III, Matthew Mendoza at Richard Gomez.

Makakasama rin sa Mars Ravelo’s ang mga pinagpipitaganang mga artista tulad nila Rufa Mae Quinto, Ricky Davao, Alfred Vargas, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Luis Alandy, Marco Alcaraz, Teri Onor, Paolo Ballesteros at Ms. Jean Garcia.

Kabilang din sa powerhouse cast sina Aljur Abrenica, Bianca King, Michelle Madrigal, Kris Bernal, Hero Angeles, kasama sina Charlotte Hermoso at Filiberto Ne-pomuceno. At sa natatanging pagganap nila sina Wendell Ramos, Chanda Romero, Chinggoy Alonzo, Andrea del Rosario at Jen Rosendahl.

Mula sa direksyon ni Binibining Joyce Bernal at Don Michael Perez, ipinagmamalaki ng Dyesebel ang world-class production mula sa nakabibigha-ning kuwento hanggang sa mga state-of-the-art production design na gawa ni Rodell Cruz, ang mga pabulosong costumes na gawa ni Bill Gustillo at ang magagandang visual effects ng Riot, Inc.

Ipinagmamalaki rin ng Dyesebel ang mga nakamamanghang underwater scenes hatid ng grupo ni Marissa Florendo at mga eksenang kinunan pa sa iba’t ibang lokasyon sa Pilipinas tulad ng Palawan, Bataan at Batangas.

Damhin lalo ang makulay na mundo ni Dyesebel sa theme song ng fantaserye na may titutong Aking Mundo na inawit ni Julie Ann San Jose ng Sugarpop. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites