<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, April 08, 2008

Gabby Concepcion, uunahin ang pelikula sa GMA

KUNG marami ang nagulat sa biglaang pagdating ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion noong nakaraang linggo, marami rin ang nagtaka kung paano nagawa ng isang Rose Flamaniano ang agarang pagpapabalik dito sa bansa.

Kung merong Mother Lily Monteverde, meron din namang Mommy Rose ang showbiz.

Si Mommy Rose ay isa ring progresibong movie producer, subalit tulad ng iba pa, naghinay-hinay sa paggawa ng pelikula kasabay ng pagtamlay ng industriya.

Marami ring makabuluhang pelikulang nagawa si Mommy Rose sa ilalim ng bandila ng FLT Films. Isa rin siya sa nagtangkang isalba ang naghihingalong industriya, subalit hindi gaanong nakiayon ang panahon sa kanya.

Ang huli niyang pagtatangka ay ang pagsasapelikula ng buhay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, sa pakikipagtulungan sa Star Cinema, pero hindi naging sapat ang kasikatan ng boksingero para maging blockbuster ang pelikulang ito.

Ngayon, ’di nagpapahuli si Mommy Rose kaalinsabay ng pamamayagpag ni Gabby sa lahat ng sector ng media.

Parating kabuntot ng pangalan ni Gabby ang pangalan ni Mommy Rose, ’di lang bilang isang producer, kundi bilang business manager nito.

Hindi maikakailang may ilan din namang kritiko na sinusumbatan si Mommy Rose kung bakit sa kabila ng may tinatawag na live contract si Gabby sa GMA Films ng GMA-7, nagawa pa nitong palagdain ang actor sa rival network nitong ABS-CBN at sister company nitong Star Cinema.

“Hindi naman ngayon at pumirma si Gabby sa ABS-CBN/Star Cinema, tatalikuran na nito ang kontrata sa GMA Films,” paglilinaw ni Mommy Rose. “Iba ’yung sa GMA Films at iba ’yung sa Star Cinema,” aniya pa.

Nilinaw pa ng produ na nasa process siya ng pakikipag-usap sa Star Cinema para bigyang priority ang commitment ni Gabby sa GMA Films.

“Ang pagkakaalam ko, ang kontrata ni Gabby sa GMA ay para sa isang pelikula lang, ang sa Star Cinema, tatlo.

“Kung gusto ng GMA Films na isauli na lang ni Gabby ang downpayment na more than a million, it’s okay with me. Kung gusto naman nilang ituloy ang one-picture contract, okey pa rin. Ako nga ang makikiusap sa Star Cinema na unahin na ’yung sa GMA Films,” paliwanag pa ni Mommy Rose.

“Ako’y isang producer din, at alam ko ang kalakaran dito. Ayokong ang isang producer ay madedehado sa alinmang transaksyon, kaya nauunawaan ko ang damdamin ng magkabilang panig. Huwag sanang isipin ng sinuman na mayroon kaming inaapakan. Mahal ko ang lahat ng kapuwa ko producer,” aniya pa.

Ang pagkakaintindi naman namin, ayon na rin sa pakikipag-usap kay Gabby, may pagkukulang din ang GMA Films.

Ayon sa aktor, kung ilang linggo niyang hinintay ang script, pero hindi maibigay-bigay sa kanya.

Kailangang-kailangan na niyang umuwi sa bansa dahil nga may sakit ang kanyang Daddy. Thirteen years na silang ’di nagkikita at nangangamba siyang baka lumubha pa sa inaasahan ang kalagayan ng ama.

Ayon naman kay Mommy Rose, October pa ng 2007, may standing offer na siya kay Gabby nang aksidenteng magkita sila sa Hawaii.

“Kasama ko pa noon sina Daboy at LT (Rudy Fernandez at Lorna Tolentino) nang biglaan naming mamataan si Gabby sa isang bahagi ng restaurant,” pagbabalik-alaala ni Mommy Rose.

“Very attractive ang personality niya at kung may nagbago man sa kanyang personalidad, konting-konti lang.

“Kitang-kita ko pa noon ang namumula niyang pisngi at tila may kolorete niyang mga labi. Naalala ko ang anak kong babae na haling na haling noon sa kanya. Eh, ang kuwarto ng anak ko, kay ganda-ganda ng wallpaper, pinaskelan ng mga litrato ni Gabby,” ang masaya pang kuwento ni Mommy Rose.

“Sa madaling-sabi, sa Hawaii pa lamang, noong October 2007, inalok ko na siya. Ang sagot niya, pag-usapan daw namin. Kaya nu’ng magbalik kami nina Daboy at LT sa California, trinabaho ko na. Every now and then, tinatawagan ko siya, pero parang hesitant siya.

“Nag-aalala siya na baka salubungin siya ng sangkatutak na problema. So, in-assure ko na tutulungan namin siya ng aking asawa sa mga legal battle niya kung meron man,” dugtong pa ng produ.

Ang tinutukoy ni Mommy Rose ay ang kanyang asawang si Atty. Ed Flaminiano, na kabilang sa mga de kalidad na abogado sa bansa.

“Heto na nga, noong bisperas ng pag-uwi namin ni Gabby, tinawagan ko sina Daboy at LT. (Kasalukuyang nasa L.A. ang mag-asawa para sa patuloy na pagpapagamot ni Daboy).

“Gulat na gulat at ’di sila makapaniwala na kasama ko si Gabby sa aking pag-uwi,” masaya pang kuwento ni Mommy Rose.

Sa ngayon, naniniwala si Mommy Rose na sa malao’t-madali ay mareresolba ang lahat ng problema, maging personal o legal ni Gabby. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites