<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, April 29, 2008

Geneva Cruz - KC Montero, problemado ang pagsasama?

MAY mga nang-iintriga kay Geneva Cruz na siguro, problemado ang buhay may-asawa nila ni KC Montero kaya dalawang buwan na siyang nasa ’Pinas habang nasa Tate ang mister at anak (kay Paco Arespacochaga) na si Heaven.

May mga nag-iisip pang baka matulad si Gen sa pinsang si Sheryl Cruz, na dahil sa binalikang showbiz career, nauwi sa diborsiyo ang marriage kay Norman Bustos.

Pero, maagap ang naging pagdedenay ni Gen. Okay na okay daw ang relasyon nila ni KC at bumibilang na sila ng nine years ngayon.

Spoiled na spoiled daw siya sa asawa, dahil nagawa pa nitong alagaan si Heaven habang busy siya sa ilang commitments dito.

Kuwento ni Gen sa presscon kahapon ng upcoming concert niyang Back in Time sa Mandarin Oriental sa May 2, tatapusin lang niya ang ilan pang shows at isang bagong album at by last week of July or early August, susunduin na siya ni KC pabalik ng Amerika.

Miss na miss na raw siya nito, pati ni Heaven, na 12 years old na at nasa fifth grade sa isang school sa Seattle, Washington.

Actually, ani Gen, isang taon at dalawang buwan din siyang hindi umuwi ng ’Pinas dahil kinailangan niyang hintayin ang kanyang green card.

Ngayong ayos na ang lahat, puwede na raw siyang magparoo’t parito para sa mga natanguang commitment dito.

“Masaya” ang description niya sa buhay-Amerika, kahit daw sabihin pang wala silang helper doon o maid na nag-aasikaso sa pang-araw-araw na trabaho. Si KC daw, connected na sa real estate company ng tatay nila ni Troy at so far, maayos naman ang benta sa Fil-Am clients.

Sa pakiwari namin sa kuwento ni Gen, mukhang adjusted na adjusted na sila ni Heaven sa buhay sa Tate.

Natatawa pa niyang tsika, may kaklase raw ang binatilyong anak na nagyayaya ritong lumabas, as in, silang dalawa lang.

Ten years old daw ang girl na classmate ni Heaven, pero ang advise raw nila ni KC, ’wag itong patulan, dahil may pagka-playgirl daw ang girl at halos lahat ng kaklaseng lalaki, niyayayang lumabas.

Love na love rin pala ni Heaven ang American football at nahihilig sa basketball. Minsan nga raw, umuuwi pa itong puno ng galos sa katawan, kaya nagpi-freak out si Geneva.

Since U.S.-based na rin ang dating asawang si Paco, madalas daw silang nagkikita-kita.

As we all know, may sarili na ring pamilya ang dating Introvoys drummer. Katunayan, kasalukuyang buntis daw ang asawang nitong si Tiny.

“Nu’ng Halloween, nagpunta sila sa amin, because they stay in Los Angeles. Enjoy na enjoy sila, lalo na si Paco, para siyang bata dahil noon lang nakapaglaro sa snow. Eh, wala namang snow sa LA, ’di ba? Talagang halos ayaw nilang umalis sa amin, gusto pa sana nilang mag-extend, pero hindi na talaga sila puwede,” tsika pa ni Gen.

At this point, dagdag niya, para na silang magkapatid ni Paco at “one big happy family” naman tuwing nagkakasama ang kanilang mga pamilya.

Mutual decision daw nila ni KC na sa Amerika na mamirmihan. Mas maganda raw kasi ang opportunity na naghihintay sa kanila roon kesa sa paiba-ibang ihip ng hangin sa showbiz.

Hindi kami sure kung ito ang unang pagkakataong inamin ni Gen ang pagpapakasal nila ni KC, pero ikinuwento niyang “secret wedding” nga ang ginawa nila.

Intentional daw ’yon dahil kailangan niyang protektahan ang VJ career ng asawa, lalupa’t may Heaven na siya nu’ng magsyota sila.

January 5, 2004 daw sila nagpakasal via civil rites sa lumang bahay ng mga magulang ni KC.

Nagpatahi lang daw siya ng 1950s-inspired dress sa designer na si Eric Pineda, na tinernuhan niya ng white at silver sandals.

Tanging ang ama lang daw niya ang naka-attend sa okasyon, dahil may naging problema sa papeles si Heaven at ang lola nito.

Sa ngayon, hindi raw nila priority ang isang marangyang kasalan, although in the future, dream pa rin ni Geneva na makasal sila sa simbahan.

Nang tanungin kung wala pa silang planong bigyan ng kapatid si Heaven, ang sagot ng singer, “Hayaan muna natin kina Kuya ’yan (referring to Troy and preggy girlfriend Aubrey Miles).”

Masayang-masaya nga raw siya para kina Troy at Aubrey at wish ni Gen ay kambal ang maging first-born ng mga ito.

Sa pagkakaalam daw niya, walang balak si Troy na manirahan muli sa Amerika. Si Aubrey naman daw, kung nasaan si Troy, doon ito.

“It must be true love!” nangingiti pang hirit ni Geneva, na proud na proud sa pagsasabing “Miller” na (real surname nina KC at Troy) ang ginagamit niyang apelyido ngayon. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites