<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, April 17, 2008

Glass house ni Regine Velasquez, kinopya sa ‘Full House’

Sa April 27, sa GMA-7 after Ful Haus, mapapanood ang birthday special ni Regine Velasquez na The Best of Me, Regine Velasquez sa direksyon ni Louie Ignacio at musical direction ni Raul Mitra.

Mula sa isang linya ng composition ni David Foster ang title ng special, na kinanta pa ng Songbird para malaman kung bakit ito ang napili niyang title ng show.

Guests ni Regine sina Kyla, Jay-R, Ogie Alcasid at may special number with her parents na first time mapapanood sa TV. Nagsilbing audience sa mala-Barbra Streisand birthday special sina Kuh Ledesma, Isabella Gonzales, Mikee Cojuangco, Jaya, Ogie’s parents, Tony Tuviera, Direk Joyce Bernal, Marian Rivera, her best friend Grace, Michael V., at Ai-Ai de las Alas, na kapitbahay niya sa Ayala Hillside, Quezon City.

“Ang daming highlights ng special na ’to. For the first time, kakanta ako with my parents, the repertoire is different and not the usual songs na naririnig ninyo sa akin. Marami pang aabangan ang viewers sa two-hour show. I hope that everybody will like it, dahil pinaghirapan namin lahat ito,” sabi nito.

Fifteen songs ang kinanta ni Regine, kabilang ang Footloose, Hotel California, Italian song na Perte, at ang duet nila ni Ogie ng Falling Slowly from the Irish movie Once.

Sa bahay niya kinunan ang birthday special, na ang sabi’y “bahay ni George (her pet Shi-Tzu),” dahil kung maglakad daw ang aso’y parang siya ang owner ng maganda at mahal na bahay.

Ayaw sabihin ni Regine kung magkano ang worth ng four-bedroom glass house na isa sa pinakamahal na parte ay ang kitchen. “Parang hotel” naman ang description nito sa kanyang bedroom at tina-try daw niyang ’wag magkalat. Heto pa, inspired ng Koreanovela na Full House ang design ng kanyang bahay at may glass sa end ng pool.

After her birthday special at simula sa May 15, every Thursday night naman mapapanood ang weekly musical niyang Songbird Sings also directed by Louie. Gusto ni Regine ang concept nito, thematic at mapi-feature lahat ang songs ng mga gusto niyang singer.

By June, iere naman ang Kim Sam Soon at bilang paghahanda, pinanood uli ni Regine ang buong K-novela na lumabas sa Channel 7. Nagta-try na rin siya ng wig, dahil hindi puwede ang hair extension sa kanya’t maiksi ang kanyang hair.

Nabalita nang si Mark Anthony Fernandez ang gaganap sa role ni Cyrus, her leading man, at si Wendell Ramos ang kanyang ex. Kasama rin pala sa cast si Dr. Hayden Kho as Kim’s doctor. The rest of the cast, saka na’t ayaw pang sabihin sa amin.

’Katuwa ang sagot ni Regine sa nasulat na posible silang magkasama sa pelikula ni Gabby Concepcion. Sabi nito: “Wala akong alam tungkol du’n. Baka naman ayaw niya sa akin.” [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites