<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, April 21, 2008

GMA Artist Center begins image plug

NAGSIMULA nitong Sunday ang pagpapalabas ng pinakabago at pinakabonggang proyekto ng GMA Artist Center. Ito ay ang high concept at pinag-igihang image plug ng nasabing talent management and development arm ng Kapuso Network.

Dahil layon ng GMAAC ang mai-showcase ang pina-kamaningning sa kanilang pa-milya, hindi na nagpahuli pa sa production team ang Artist Center.

Pinamunuan ito ng magaling at awarded na direktor na si Louie Lagdameo Ignacio. Kasama niya ang mahu-say na musical director na si Ramon Faustino.

Si Sushila Reyes naman ang vocal coach at arranger para sa image plug theme song.

Magkakasamang uma-wit ng GMAAC image plug theme song sina Ayen Munji, Jonalyn Viray, Brenan Espartinez, Bryan Termulo, Ge-rald Santos, Maricris Garcia, Aicelle Santos at singing group na Sugarpop.

Ipinagsama-sama ng GMA Artist Center ang most sought-after-artists ng kanilang henerasyon sa image plug na ito.

Isa na lamang sa nakakamanghang concept na ginamit dito ay ang ‘Matrix’ inspired vignette kung saan makikita ang prime artists ng GMAAC sa isang helipad na naka-itim. Kasama rito sina Marvin Agustin, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, U Reyes, Isabel Oli, Ange-lika Dela Cruz, Marky Cielo, at Aljur Abrenica.

Magtatapos ang engran-deng introduction sa paggamit naman ng isang helicopter.

May twist o kakaibang come on at kiliti ang bawat seg-ment ng image plug at lahat di-to ay may sinisimbulong mas malalim na mensahe.

Sa katunayan, hindi magtatapos ang introduction sa all black outfits ng mga artista, makikitaan sila ng makukulay at panibagong mga itsura at damit upang ipahiwatig na pa-tuloy ang pagyabong at pag-hubog ng mga artista sa GMAAC.

Sa pangalawang parte ng image plug, bida naman ang child stars ng Artist Center. Masaya ang mood at look ng nasabing parte kung saan ipinapakita ang kulay na idinadagdag ng child stars ng AC sa mga Kapuso shows.

Sa third installment ng image plug ay ma-kikita na nagsi- “clubbing style” ang mga artista ng AC. Kabilang dito ang mga bagong reality talent search discoveries tulad ng Ride to Fame winners, Mo-vers, StarStruck avengers tulad nina Steph Prescott, Arci Munoz, Jessie Corcuera, Prince Stefan, Jan Ma-nual at Paolo Avelino.

Kabilang din dito ang mga ipinagmamalaking komed-yante ng GMAAC na sina Mang Mike, Belly Flori, at Pekto. Kasama rin ang newly launched faces ng GMAAC.

Ang ikaapat na installment ay kinuhaan naman sa helipad ng GMA Network. Dito, mapapanood ang mga naggagalingang mga mang-aawit tulad nina Michael Garcia, Jenny Escalada, April delos Santos, at Harry Santos. Kasama nila ang mga singers na umawit ng image plug theme song. Sa vignette 4 rin ma-kikita ang mga hosts ng GMAAC na namamayagpag ngayon tulad nina Grace Lee, Issa Litton, Rosebud, Chynna Ortaleza, Paolo Paraiso, Hillary Isaac, at VJs na sina Stephanie Henares at Ysa Villar.

Ihinahandog ng GMA Artist Center ang kanilang bagong image plug na sumasalamin sa tunay na kaga-lingan ng GMAAC. Makahulugan din ang image plug dahil ipinapakita nito ang diversity ng mga talent ng AC, ang layo ng kanilang narating at ang hinaharap na sumasalubong pa sa naglalakihang stars ng GMA Artist Center. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites