<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, April 24, 2008

Heart Evangelista, kapuso na

Lumagda na kahapon ng kontrata sa GMA 7 ang dating big talent ng ABS-CBN na si Heart Evangelista.

Si Heart ang isa sa dalawang leading ladies ni Richard Gutierrez sa susunod na proyekto ng young actor sa Kapuso, ang Asero; ang isa pa ay si Ehra Madrigal.

Matagal nang usap-usapan na may makakasama si Richard sa Asero na taga-ABS-CBN ngunit hindi pa ito mapangalanan hangga’t hindi pa napaplantsa ang lahat. Ngayong nagkasundo na ang GMA 7 at ang kampo ni Heart, tuluy-tuloy na ang paggawa ng project ng young actress sa Siete.

Matatandaan na umalis na sa poder ng Genesis si Heart last week bagama’t wala naman talaga silang pinirmahang kontrata ng boyfriend niyang si Jericho Rosales pagkatapos nilang tumiwalag sa Star Magic ng ABS-CBN.

Ang ina ni Heart na si Mrs. Cecilia “Baby” Payawal-Ongpauco ang siyang tumatayong manager ngayon ng young actress. Ang ina rin ni Heart ang balitang nakipag-usap sa GMA 7 para sa Asero.

Habang isinusulat ito kahapon ng hapon, napaulat na magkakaroon ng presscon para ipahayag ang pagiging Kapuso ni Heart.

Maaari na rin sigurong sagutin ni Heart ang katotohanan sa balitang break na sila ni Jericho. Bagama’t itinanggi na ito ng dating manager ni Heart na si Angeli Pangilinan-Valenciano, may nakapagsabi sa amin na nasa cool-off period sina Heart at Jericho ngayon. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites