<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, April 11, 2008

Katrina Halili excited nang magpaapi

Umalis na si Katrina Halili sa panga­ngalaga ng GMA Artist Center. Nu’ng Pebrero 1 nag-expire ang kontrata niya sa GMAAC at imbes na mag-renew ay nagpa-handle na lang siya kay Direk Rommel Gacho ng GMA, na itinuturing na ‘tatay’ ng mga produkto ng StarStruck search.

“Bale sa network na po ako, hindi na sa Artist Center. Hindi pa po ako pumipirma with GMA, pero magkakaroon ng formal contract signing, wala pa lang schedule.
“Bale si Tatay Rommel po ang nagha-handle sa akin, kasi ayaw nilang pumayag na wala akong manager dahil sino ang kakausapin nila, ‘di ba?” bulalas ng seksing si Katrina na nakausap namin kamakalawa sa taping ng summer special ng All-Star K! The P1M Vi­deoke Challenge sa Coral View Beach Resort (Poblacion, Morong, Bataan).

Noon pa napapabalitang maraming talents ng Siyete ang gustong uma­lis sa GMAAC. Isa sa mga tuluyan nang lumayas ay ang isa sa closest friends at batchmate ni Katrina sa StarStruck na si Cristine Reyes, na pinagsaraduhan na ng pinto ng GMA.

“Eh kung saan po siya masaya, ‘di ba? Kasi, kung saan naman po tayo masaya, dapat doon tayo. Ako, wala po akong planong lumipat. Happy po ako with GMA!” dayalog ni Katrina.

Isa sa mga dahilan kaya masaya si Kat ay dahil magbibida na siya sa sari­li niyang sinenobela, ang TV remake ng pelikulang Magdusa Ka, na sa Abril 21 na ang simula ng taping kasama sina Dennis Trillo at Iwa Moto.

Teka, anong reaksyon niya sa sinabi raw ni Iwa na hindi raw bagay sa kanya ang maging bida dahil mas mahusay siya bilang kontrabida?

“Eh manood na lang siya! Ha! Ha! Ha! Pero friends kami ni Iwa,” hirit ni Kat.
Anong feeling niya na hindi pa sila nagsisimu­lang magkatrabaho ay naiintriga na sila ni Iwa?

“O sige, siya na lang ang bida, ako na lang ang kontrabida! Ha! Ha! Ha! Chos! Joke lang, ‘no!

“Friends kami no’n, hindi kami mag-aaway,” natatawang bawi niya.
Sa tingin niya ba, si Iwa ay bagay maging bida?

“Siguro naman, ‘di ba? Bagay naman siguro sa kanya. Bigyan natin siya ng chance! Chos! Ha! Ha! Ha!”

Nu’ng Holy Week ay pinanood niya sa DVD ang pelikulang Magdusa Ka dahil nu’ng sabihin sa kanyang ‘yun ang gagawin niya ay naghanap agad siya ng kopya ng movie.

Kaya niya ba ang ginawang akting doon ni Dina Bonnevie?

“Basta, ita-try ko po ‘yung best ko!” sagot ni Kat.
So, anong masasabi niya na ibinigay sa kanya ng GMA ‘yung gusto niya, na iba naman ang gawin niya, hindi puro kontrabida roles na lang?

“Siyempre, masaya po ako. Excited ako na mag-shoot na. Gusto ko nga, ngayon na, eh!”

May takot ba siya dahil sa kanya na nakadepende ang rating nito dahil siya na ang bida?

“Wala! Ha! Ha! Ha! Joke lang! Syempre, gagawin ko naman ‘yung makakaya ko. At saka first time ko rin ‘to sa pang­hapon, kasi puro primetime ‘yung mga ginawa ko dati.”

Keri niya bang gumanap na api-apihan?

“Siyempre, gusto ko naman po ipakita ang ibang talent ko. Hindi lang po pagmamaldita ang alam ko, ‘di ba? Keri ko ‘yon. Wait lang, relax lang! Masyado n’yo naman akong minamaliit, mga friends!

“Basta, gusto ko naman pong maiba. Kasi, puro kontrabida ang tinatanggap ko, eh! So, ‘yun lang ‘yung nakikita n’yo. ‘Yun lang ‘yung alam n’yong kaya kong gawin.

“Siyempre, gusto ko namang ipakita ‘yung iba pa, na kaya ko rin naman!” buong ningning na dayalog ni Katrina. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites