<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, April 23, 2008

Marian Rivera ’di conscious masilipan ng boobs

Hindi man naka-sirena costume si Marian Rivera sa presscon ng Dyesebel, naging masaya pa rin ang okasyon, dahil may mga male and female swimmers na nag-entertain sa press habang hindi pa nagsisimula ang presscon.

Sa interview kay Marian, hindi deretsahang kinumpirma kung totoong nakita ang isa niyang boob. Ang ipinagdiinan nito’y, well protected siya at pang-wholesome ang show, kaya dapat kahit topless siya, walang masilip na boobs sa kanyang paglangoy at careful si direk Joyce Bernal sa kaniyang mga shots.

Inintriga lang ang sinabi nitong tinatakpan siya ni Dingdong Dantes at pilit inalam ng press kung ano ang ipinantatakip ng actor sa boobs niya? Kalaunan, sinagot din ni Marian ang tanong na katawan ng actor ang tumatakip sa kanya.

“Hindi rin ako conscious na masilipan, dahil malaki ang tiwala at respeto niya sa lahat ng ka­trabaho at umaasa akong hindi mangyayari na may picture akong mapo-post sa internet. Si Ms. Cheryl (Ching-Sy) at program manager ng show lang ang may copy ng tape at nasa bahay nila ’yon. Bawal din ang cellphone sa set at ’pag naka-costume ako ay limitado ang mga tao sa set, kaya ’di ako takot na baka may kumalat akong picture,” pahayag ni Marian.

Sa April 28 na ang premiere ng Dyesebel at may primer ito sa Friday, sa time slot ng The Legend. Ang Sugarpop member na si Julie Ann San Jose ang kumanta ng theme song na Aking Mundo at ang love theme na Siya Na Nga Kaya na parehong composition ni Danny Tan. First time ring gumawa ng music video ang GMA 7 para mas ma-pro­mote ang sina­sa­bing telefantasya ng taon.

* * *

Kasama pala sa cast ng Dyesebel si Bianca King sa role na Betty, ang modelong type si Fredo (Dingdong Dantes) at magpapahirap sa buhay ni Dyesebel. Hindi takot magkontrabida ang actress at ipinagmalaki pang biggest kontrabida role niya ito at nag-iisip siya ng bagong atake sa role niya para maiba sa mga ginawa niya dati. Okey sa kanya ang title na Kontrabida Princess, at least daw may title siya.

Ngayon pa lang, humihingi na ng dispensa si Bianca sa mga fans nina Marian at Dingdong, ’wag daw kayong magagalit sa kanya at trabaho lang ang gagawin niyang pang-aapi sa bidang aktres. Nagkasama na sila sa Marimar ni Marian at more or less, alam na nila kung paanong magtrabaho.

Napansin naming masyadong masikreto si Bianca sa kanyang lovelife at kahit alam na ng buong bayan na sila ng lead vocalist ng Hale, ayaw pa rin niyang mag-comment. Alam at naiintindihan daw ng guy na priority niya ang kanyang career at studies sa College of St. Benilde, kung saan kumukuha siya ng Filmmaking. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites