<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, April 01, 2008

Regine, handa sa pag-uwi ng mag-iina ni Ogie

Kinumpirma ni Ogie Alcasid ang napabalita noon na kinunsidera si Regine Velasquez para maging bahagi ng bagong talent search ng GMA na Pinoy Idol.

“Yes, yes, yes. Actually, she was really supposed to be a judge also. Totoo ‘yon, hindi naman dine-deny ni Ma’am Wilma (Galvante, SVP for Entertainment-TV ng GMA) ‘yun, eh!” paha­yag ni Ogie, na uupo bilang isa sa tatlong jud­ges ng Pinoy Idol (kasama nina Jolina Magdangal at Wyngard Tracy).

May bali-balita rin na isa sa mga dahilan kaya umano ‘nagtampo’ sa GMA si Regine at muntik-muntikan nang lumipat sa ABS-CBN ay dahil hindi rito ibinigay ang Pinoy Idol.

“Ah, hindi ko siguro dapat sagutin ‘yan. Dapat si Regine, kasi parang it’s not my place to answer that,” simpleng iwas ni Ogie.

Ano bang alam niyang kuwento kung bakit hindi natuloy si Regine sa Pinoy Idol?
“Actually, personally, ang alam ko diyan, hindi nagtugma ‘yung schedules niya. Kasi, alam ko, she’s leaving dahil may tour siya (abroad). And then, sisimulan na niya ‘yung kung anuman ‘yung gagawin niya…

“Eh ako, para sa show na ‘to, binura ko lahat ng schedule ko. Wala akong absent dito at para sa akin, mahirap… may sakripisyong konti.

“Pero dahil mahal na mahal ko ‘yung show, mahal ko ang GMA and I really wanted to be part of this, eh binura ko lahat ng schedule ko just to do this,” paliwanag ng singer-songwriter.

So, hindi totoo ‘yung isyung ‘overage’ na raw kasi si Regine kaya hindi ito napiling host ng Pinoy Idol (na napunta kay Raymond Gutierrez)?

“No, no, no, hindi totoo ‘yon! Talagang nag-overlap lang ‘yung schedule,” maiksing sa­got ni Ogie.

Malungkot ba siya na hindi niya ka-join si Regine sa PI, hindi tulad sa Celebrity Duets na magkasama sila ng nobya niya?

“Well, oo, pero alam mo kaming tatlo nina Jolina and Wyngard? Ang sasaya namin! Magkakaiba kami ng persona­lidad, magkakaiba kami ng generation, pero ‘pag nagsasama-sama kami, ang saya!

“Nu’ng tumigil nga ‘yung out of town namin, nagti-text sa akin si Jolens, ‘Kuya, miss na kita!’ Ganu’n kami. And I hope, every year na ‘to. Kasi, na-develop namin ‘yung friendship sa isa’t isa, ‘yung bonding namin, ang galing!” masa­yang bulalas ni Ogie.

***

Nabanggit din ni Ogie na ayon sa huling pag-uusap nila ni Michelle Van Eimeren ay tuloy na tuloy ang pagdating dito ni Michelle at ng dalawang anak nilang babae para manood ng kanyang 20th showbiz anniversary concert this year.

“Hindi ko alam kung kelan ang eksakto nilang dating, eh! Pero ang pa­kay ko talaga eh, mapanood ako ng mga anak ko.”

Napag-usapan na ba nila ni Regine o ni Michelle na siguradong pagpipiyestahan silang tatlo at sila ang tututukan ng press pagdating sa bansa ng kanyang mag-iina mula sa Australia?

“Hindi namin napag-usapan ‘yun, eh! Ha! Ha! Ha! Alam mo, sa totoo lang, hindi namin iniisip ‘yun, eh!” nakangiting pakli ni Ogie.

Saan tutuloy ang mag-iina niya?

“I’m sure, magho-hotel ‘yon or something. Hindi ko pa alam, anong buwan pa lang naman ngayon, eh!”

Hindi ba niya io-offer ang house niya para sa mga anak niya?

“Ah hindi, kasi I’m staying na with my pa­rents. So, hindi kami magkakasya roon. Ha­yaan mo, aayusin natin ‘yan…”

Nakahanda na ba si Regine sa pagtatagpu-tagpo nilang tatlo rito?
“Mukha naman! ‘Yung huli kong nakita sa interview niya, mukha namang ready na siya,” sey niya.

Sa Setyembre 27 (Sabado) gaganapin ang malaking anniversary concert ni Ogie na pinamagatang 20/20 sa Araneta Coliseum.

“Nag-start na kami ng preparations. It’s going to be with a full orchestra. The repertoire will be for the first time in my life, lahat ng music na sinulat ko, kinanta ko, na naging hit.

“May collaboration din with other artists. I’m very excited dahil nag-confirm na ‘yung mga ibang naging kasama ko, katulad nina Piolo (Pascual), of course, si Regine, Janno (Gibbs), Jaya… may mga ilan pa akong kino-confirm.

“Gusto ko na maging part sila ng celebration ng 20 years of music that I’ve contributed to the Philippine music industry. My director is Rowell Santiago, TV director is Louie Ignacio and my musical director is Gerard Salonga.”
May ‘announcement’ bang magaganap sa araw na ‘yon?

“Ha! Ha! Ha! Ano ba?! Concert naman ‘yon! Anong announcement? Wala akong nakikitang gano’n!”

Totoo bang nagkakaproblema raw ‘yung annulment ng kasal nila ni Michelle? Pwede ba siyang magsalita tungkol doon?

“No, I can’t. I can’t talk about it!” kawal na iwas ni Ogie. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites