<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, April 17, 2008

Richard Gutierrez binisita si KC sa Calatagan

DALAWANG linggo na lang tatagal ang Kamandag sa ere, kaya naman puspusan at paspasan na ang pagte-taping na ginagawa ng bida nitong si Richard Gutierrez.

May naka-schedule pang trabaho ang young actor sa Baras, Rizal, hatinggabi nu’ng Martes hanggang Miyerkules, pero nagawa pang isingit ang production meeting para sa next project na Asero at mini-interview with the press.

Sabi ni Richard, mixed emotions ang nararamdaman niya ngayong malapit nang magtapos ang nangungunang telefantasya ng bansa. Mami-miss daw niya ang show dahil parte na rin siya ng creative development nito.

Nakalulungkot daw na hindi na sila magkikita-kita ng mga kasamahan, pero exciting at the same time, dahil karamihan sa final scenes ay punumpuno ng action, drama at pagmamahalan.

Aminado si Richard na mahihirap at sobrang delikado ang mga stunt na involved sa final episodes. Katunayan, namaga ang kanang kamay ng actor nang salagin ang espada ng karakter ng kapatid na si Rocky kay Vergel (character ni Richard).

Yes, “nataga” raw siya ni Rocky, na ikinaloka ng madir nilang si Annabelle Rama.

Nu’ng minsan naman daw, sumabit ang gamit niyang harness sa isang stunt na natutunan niya sa Hong Kong stuntmen. Kuwento ni Richard, matagal-tagal na niyang hindi nagagawa ang naturang stunt, kaya siguro medyo sumabit sa routine.

Nang tanungin kung ano pa ang magiging pakulo nila sa pagtatapos ng Kamandag, ang birong pahayag ng actor ay: “Kung ang Marimar, live, kami, taped,” sabay tawa.

Speaking of Marimar, itinanggi ni Richard ang isyung may silent gap o rivalry sila ng dating male lead nitong si Dingdong Dantes. Wala raw katotohanan ang tsismis na kaya siya magre-resign sa SOP ay dahil sa pananabotahe ng kampo ng actor.

Ang totoo raw, wala pa siyang final decision tungkol doon. At kung mag-decide man siya to take a leave, personal niyang desisyon ’yon para magkaroon ng panahon sa sarili, pamilya at mga kaibigan.

Wala raw siyang tampo kaninuman. “Zero grudge” pa nga ang terminong ginamit niya para kay Dingdong.

Happy daw si Richard para sa kaibigan at kung siya ang tatanungin, hindi siya nagdu-dwell sa mga isyung gaya nito. Ayaw daw niyang mag-isip nang masama sa kapuwa, pero aminadong nangyayari nga ang mga ganitong sitwasyon sa isang “cutthroat world” tulad ng show business.

Ang kailangan daw gawin ay maging matatag sa gitna ng kompetisyon.

Kuwento pa ni Richard, nagkita sila ni Dingdong sa birthday party ni Direk Mark Reyes kamakailan. At gaya nga ng sinabi niya nu’ng una, nagbatian at nagkuwentuhan naman sila bilang matagal nang magkaibigan.

Dagdag pa ni Chard, never silang nagpaapekto ni Dingdong sa kung anuman ang nangyayari sa mga dyaryo at sa respective managers nila.

“I know him (Dingdong) better,” paglilinaw pa ng actor.

Samantala, pinabulaanan din ni Richard ang kumalat na balitang muntik na siyang lumipat sa ABS-CBN 2.

Aniya, dahil sa pagiging sobrang busy, halos wala na siyang time magbasa ng dyaryo o manood ng telebisyon. Kaya naman, siya ang pinakahuling nakaalam tungkol sa isyu at nauna pang magbigay ng komento ang kakambal na si Raymond at ang ina’t manager na si Tita Annabelle.

Hindi raw alam ni Richard kung saan nanggaling ang tsismis na may tempting offer sa kanya ang Channel 2. Wala naman daw siyang kaplanu-planong lumipat o mag-ober-da-bakod.

Pagdiriin pa niya, may mga isyu mang hindi naiiwasan, gaya ng sinasabing pagtatampo niya dahil sa hindi pagkakasama sa ilang VTR o plug ng Kapuso network, siya raw ay isang sundalo lang, at ’yung mga ganu’ng bagay, management team na niya ang nakakikita.

Sadyang hindi raw siya nagsalita sa lipatan isyu dahil may tamang panahon para roon. Next week, nakatakda na siyang pumirma ng panibagong two-year exclusive contract sa GMA-7.

Anyway, excited naman si Richard sa posibilidad na matuloy ang pagtatambal nila sa pelikula ng mega daughter at rumored girlfriend na si KC Concepcion.

“Ultimate dream ko” kung i-describe ng actor ang kanilang pagsasama sa big screen at inaming may mga pag-uusap ngang nagaganap sa pagitan ng GMA Films at Star Cinema.

“Kung matutuloy, sana nga matuloy, ’di ba? Gusto naming (siya at si KC) matuloy,” paniniguro pa ni Richard, na parang lovestruck teenager ang aura, ha.

Actually, tipid na tipid ang mga sagot ni Chard ’pag tungkol na kay KC ang usapan. Ayaw niyang sagutin ang pangungulit ng press kung totoo ngang “sila na” ng dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ang sabi lang niya, bumisita siya sa birthday celebration nito sa Calatagan, Batangas. Pero ang iba pang detalye’y ayaw nang i-divulge dala ng hiya sa celebrant, na hindi raw nagkukuwento tungkol sa pribadong selebrasyon nu’ng April 7.

Kasabay pala ng kaarawan ni KC ang birthday ng mga kapatid ni Richard na sina Ritchie Paul at Elvis.

Eh, ano ang birthday gift niya sa rumored GF?

“Secret,” ang tila nanunukso pang tugon ng bida ng Kamandag. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites