<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, April 15, 2008

Richard Gutierrez updates

SA April 17 na ang shooting ni Richard Gutierrez ng My Monster Mom, kung saan bida ang inang si Annabelle Rama at ate niyang si Ruffa Gutierrez at co-produced ng Regal Entertainment at GMA Films sa direksyon ni Joey Reyes.

Gagampanan nito ang role ng young Eddie Gutierrez at asawa ni Rhian Ramos as the young Annabelle.

Cute ang concern ni Annabelle sa magiging billing ng anak sa pelikula. Saan daw ba ilalagay ang name nito, eh, nagsabi na si Ruffa na name niya dapat ang mauna at lagyan na lang ng “and” bago ang name ng mom niya.

Anyway, last two weeks na lang ng Kamandag, pero hindi matagal mababakante si Richard, dahil gagawin nito ang Asero na may parts na kukunan sa Dubai.

Ang tsika sa amin, isang marksman naman ang magiging role rito ng actor, kaiba sa mga ginampanan na niya sa mga nauna niyang serye.

Ang inaabangan namin ay kung matutuloy ang plano ng GMA-7 na isang male talent ng ABS-CBN ang makakasama niya rito.

Maganda sanang kumbinasyon kung matutuloy ’yun at malaking pang-come on sa viewers.

Saka na ang clue at baka mabulilyaso pa.

Samantala, si Richard ang napili ng GMA News and Public Affairs na maging annotator sa kanilang Earth Day presentation na Signos: Banta ng Nagbabagong Klima.

Malaking puntos ang pagiging member ng Greenpeace ng actor para siya ang ilagay dito. Layon ng docu na mapagtuunan ng pansin ang lumalalang problema ng climate change.

Mapapanood ang Signos sa April 20, after Ful Haus. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites