<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, April 16, 2008

Rufa Mae Quinto falls in love with Venice while shooting "I.T.A.L.Y."

Maraming dalang kuwento ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa pagbabalik niya mula sa shooting ng pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films sa Europe. Maganda raw ang naging bonding nila ng mga co-stars niyang sina Jolina Magdangal, Eugene Domingo, Rhian Ramos, Mark Herras, at Dennis Trillo.

"Bonggang-bongga ang shooting namin doon! ‘Tsaka ang gaganda ng mga lugar na pinuntahan namin. Nakaka-in love yung mga places, lalo na sa Spain at Tunisia. First time ko kasi doon kaya super excited ako at yung ibang mga kasama namin. Pero pinaka-romantic sa akin ang Italy, lalo na sa Venice. Mai-in love ka talaga doon. Masarap kapag may kasama kang papa, di ba?" natatawang kuwento ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Usap-usapan ngayon ang pagiging close ulit nila ni Dennis. Kung matatandaan ay inamin ni Rufa Mae na naging sila noon ni Dennis, pero short-lived lang daw ang naging relasyon nila. First time makasama ni Rufa Mae si Dennis sa pelikula.

"Yung sa amin ni Dennis, wala na ‘yon," giit ni Rufa Mae. "Matagal na ‘yon, di ba? Hanggang friends na lang talaga kami. Baka magalit pa ang girlfriend niya, ‘no! Naku, ibuko ko ba siya?" tawa niya.

"In fairness, naging maayos ang pagtrabaho namin sa pelikula. Okay si Dennis kasi napaka-professional niya.

"Comedy kasi itong pelikula naming I.T.A.L.Y. kaya hindi masyadong mabigat. Lounge singer kasi ako rito kaya may mga scenes na super-sing ako. ‘Tapos yung mga eksena namin ni Jolens with Dennis, sobrang nakakatawa. Kaya hindi dapat nila ma-miss ito kasi sobrang entertaining itong movie," sabi ng sexy comedienne.

MANAY PO 2. Marami rin ang pumupuri kay Rufa Mae dahil sa agaw-eksenang performance niya sa Manay Po 2: Overload. Pero hindi napanood ni Rufa Mae ang pelikula dahil noong premiere night nito noong Sunday, April 13, ay umalis na siya agad pagkapatay ng ilaw dahil may lakad pa siya noong gabing ‘yon.

"Hindi ko na nga napanood kasi sobrang dami kong nilakad. Tawa nga raw nang tawa ang mga tao sa movie. That's good kasi pinaghirapan namin lahat sa cast ang movie. As in, work kami to death para mapaganda ang movie.

"Enjoy ako talaga with Direk Joel Lamangan. Magkasundo kami pagdating sa comedy. Masasabi ko na mas nag-enjoy ako sa paggawa nitong Manay Po 2 kesa sa ibang pinagsamahan namin ni Direk Joel. Talagang go, go, go ako dito sa pagpapatawa, di ba? Wish ko na kumita siya nang bonggang-bongga para may part three!" pagtatapos ni Rufa Mae. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites