<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, May 21, 2008

Heart, ‘no comment’ sa pagkatsugi sa Ai-Ai movie

GUMIGILING na ang camera para sa sequel ng Ang Tanging Ina ni Ai-Ai de las Alas na idinidirek pa rin ni Wenn Deramas. Sa sequel, makakasama muli ng Comedy Concert Queen ang mga original na anak maliban kina Marc Atienza at Heart Evangelista.

Kay Marc, walang gaanong reaction dahil hindi na ito active sa showbiz unlike Heart na pinag-uusapan at controversial pa ngayon.

Nagalit daw kasi ang ABS-CBN management sa ginawang paglipat ni Heart sa GMA-7, kaya in-itsapuwera na ito sa sequel na Ang Tanging Ina Ninyong Lahat.

Mabuti pa raw si Marvin Agustin, kahit nag-over da bakod sa Siyete, kinuha pa rin ng Star Cinema bilang panganay na anak ni Ai Ai sa movie.

Maayos naman daw kasi ang ginawang pagpapaalam ni Marvin, kaya welcome pa rin ito sa Kapamilya Network.

No comment naman si Ai-Ai sa pagkakatsugi ni Heart sa kanyang pelikula. Talent lang daw siya at walang kaparatang mamili ng kung makakasamang mga artista.

“Puwede akong mag-suggest, pero nasa kanila pa rin ang final decision kung sino ang dapat at hindi dapat mapasama sa movie,” esplika pa ni Ai-Ai.

* * *

NO comment naman si Heart sa nasabing isyu. Kadarating lang ng dalaga mula sa ilang linggong pagte-taping ng bagong serye, Codename: Asero, sa Dubai with leading man Richard Gutierrez.

Hindi rin daw sumama ang loob niya sa Star Cinema dahil karapatan ng naturang production outfit kung sino ang gusto nilang isama sa cast ng kanilang pelikula.

Hindi naman daw siya nagsisisi sa ginawang paglipat sa GMA-7. Alaga rin daw siya sa istasyon, tulad ng ginawang pag-aalaga sa kanya ng Dos noong nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Gusto lang daw ni Heart na maging active muli sa paggawa ng pelikula at magkaroon ng show sa TV sa ngayon.

Masaya naman daw siya sa ginagawa nilang show ni Richard at feeling niya ay nasa mabuti siyang kamay.

Ayaw na ring pag-usapan pa ng dalaga ang dating boyfriend na si Jericho Rosales. Tama na raw ’yung naisiwalat niyang tunay na dahilan sa Showbiz Central kung bakit siya nakipagkalas sa actor. [source]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites