<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, May 10, 2008

Jasmine Villegas kilala si Charice Pempengco

Kilala ni Jasmine Villegas ang latest Pinoy singing sensation na si Charice Pempengco dahil napanood niya ito sa Ellen at sa YouTube.

Kahit halos magkaedad sila (15 y/o si Charice) ay hindi raw sila dapat ipagkumpara dahil magkaiba raw sila ni Charice.

“She is a phenomenal singer! I hope to meet her and I hope she makes it too!” sey niya patungkol kay Charice.

Kuwento ni Jasmine, nakakapanood siya ng GMA Pinoy-TV sa US gaya ng SOP na paborito niya at Marimar. Kilala niya raw si Marian Rivera.

Nang tanungin namin kung kilala niya rin si Dingdong Dantes, ‘yes’ ang sagot niya, sabay sabing na-meet niya sa Amerika si Dingdong kasama ni Jessa Zaragoza.

‘Yun pala, ang tinutukoy niya ay ang mister ni Jessa na si Dingdong Avanzado! Ha! Ha! Ha!

Nakasama niya sa shows sa States ang mag-asawa kaya naging kaibigan na ni Jasmine si Jessa.

Paborito ng bagets si Jessa dahil ang hit song nitong Bakit Pa? ang unang Tagalog song na natutunan niya dahil madalas itong kantahin ng Pinay mom niya sa videoke. Inawit ni Jasmine sa presscon ang Bakit Pa? at ang comment ng ibang press ay mas maganda pa ang version niya kesa kay Jessa! [source]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites