<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, May 16, 2008

Joey de Leon pinatatahimik ni Lolit

ALL’S well that ends well.

Mabuti naman at naplantsa na ang gusot sa pagitan nina Manay Lolit Solis at Piolo Pascual at Sam Milby.

Gaya ng sinulat ni Ogie Diaz, inurong na ng dalawang matinee idol ang isinampang libel case laban sa talent manager-co-host ng Startalk.

Saksi si Johnny Manahan ng Star Magic, napakalapit sa puso ni Manay Lolit, sa naturang pagkakasundo.

Teka, ano na nga pala ang nangyari sa iminumungkahing Senate bill to decriminalize libel? Ang alam namin ang nagsusulong nito’y ang mga katulad nina Senators Jinggoy Estrada, Chiz Escudero at Kiko Pangilinan.

’Pag naisabatas ang nasabing bill, hindi na makukulong ang mako-convict sa kaso, bagkus, magbabayad na lamang ng danyos perwisyos.

* * *

NAKIUSAP na rin si Manay Lolit sa Startalk co-host na si Joey de Leon na huwag nang batikusin pa sina Piolo at Sam.

Iyan ay para patunayan ni Manay Lolit na sincere at consistent siya sa ginawang retraction.

Binatikos kasi ni Joey ang dalawa nang magpunta sa Department of Justice to pay Sec. Raul Gonzales a visit.

At least, makakapag-concentrate na ng lubos si Manay Lolit sa kanyang hosting job, pagta-talent manage at pagsusulat.

Lubusan ding makakapag-concentrate sina Piolo at Sam sa kanilang respective careers na wala nang dinadalang mabigat sa kanilang kalooban.

Ganu’n lang naman ’yun. Mas grabe pa nga ang nangyari noon kina Manay Lolit at Gabby Concepcion, pero naayos din ang lahat.

It’s true, time heals all wounds. [source]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites