<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, May 02, 2008

Katrina Halili marami pang pangarap

Medyo nag-slim ngayon si Katrina Halili na kamakaila’y nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center.

“Marami lang trabaho. At medyo napagod ako nu’ng Holy Week kasi umuwi ako ng Palawan with my family,” ito ang sey ng lead star ng forthcoming soap na Magdusa Ka.

Matunog ang balitang baka after being proclaimed FHM Cover Girl for two years ay siya pa rin ang hahawak ng korona sa ikatlong taon. Napangiti lang ang seksi at sinabing natutuwa siya dahil marami ang nagkakagusto sa kanya at nagpapasalamat din siya sa publikong bumoboto.

Nung April 26 ay itinampok ni Kat ang kanyang iingeree and swimsuit collections sa pamamagitan ng 15 kuwadro ng mga larawang luha nina Nicolo Cosme at Mark Nicdao sa Playmates Photo Exhibit sa Ten02 Bar sa Timog, Kyusi.

Napakaseksi ng mga pose ng bru. Pero walang provate parts na makikita. “Para sa’kin, kasi, ang seksi ay ‘yung may naiiwan sa imahinasyon. Kaya tinakpan ang ‘di dapat mabu-yangyang,” sabi niyang may halong pagbibiro.

Mabibili ang mga kuwadro sa halagang P5,000 at maaari namang mag-order ng Playmates limted collection sa www. katrinahalili.com.ph. Hindi ito mabibili sa ibang outlet dahil talagang collectors’ items lang.

Pangarap pa rin niyang magkaroon ng perfume at cologne line for ladies. At nag-start na siyang magpictorial para sa isang coffeetable book na ipapublish at ang target release ay sa Disyembre.

May temang pang-Tourism ito dahil iba’t ibang scenic spots ng bansa ang magiging lokasyon. Ang unang venue nga’y ang Boracay Island sa Bisaya. Kasunod nito’y sa kanyang hometown sa El Nido sa Palawan kung saan pa-ngarap niyang magtayo ng isang resort para sa mga bakasyonista at nagse-seminar.

Puro negosyo ang nasa isip at pangarap niya nga-yon kaya mukhang nasa backseat ang kanyang lovelife.

“Naloloka ako ‘pag inlab. Nadidiskaril ang utak, ganun. Kaya, wala muna ang pag-ibig,” sabi pa niya.

Kung gusto ninyong makita si Katrina in person ay go kayo sa inauguration ng Simply Perfect sa May 8 at 5:08p.m. sa 5th floor ng The Block ng SM City North EDSA. Siya, kasi, ang modelo ng nasabing facial and body salon. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites