<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, May 09, 2008

Katrina Halili tuloy ang business

TULUY-TULOY ang business ni Katrina Halili sa paggawa ng sariling line ng girls swim wear and lingerie.

Napag-usapan ang bikini swim wear ni Katrina sa presscon ng Magdusa Ka dahil sa may sariling line-up siya na mabibili lang sa Internet.

Ani Katrina: “Di ko pa alam ang total sales namin sa ngayon. Alam mo ang ang bumubili nito ay karamihan ay lalaki. Gusto raw nilang makakuha ng mga isinuot kong swimwear sa photo shoots ko.”

May dalawang designers si Katrina na gumagawa ng bikini collection niya.

* * *

SAMANTALA, sa Magdusa Ka, si Katrina Halili ay inalalayan nang husto ni Direk Maryo J. delos Reyes dahil sa ibig maalis ng direktor ang mga mannerism ni Katrina na pang-kontrabida.

Dalawang taon na kontrabida role ang ginampanan ni Katrina kaya hanggang ngayon ay nadadala niya ito kahit na inaaping babae ang papel niya .

Ang unang-unang binago kay Katrina ay ang kanyang eyebrow. Kinapalan ito at hindi kailangang magtaas-kilay siya. Pati ang modulation ng kanyang boses ay dapat baguhin. Kasi, dapat maging soft ang tinig niya sa kanyang dialogues.

Kapartner ni Katrina si Dennis Trillo sa Magdusa Ka. Off-beat din ang role ni Dennis bilang basagolerong binata.

Pumasok pa siyang macho dancer kaya tiyak ay kikiligin ang mga bading at kababaihan sa dance numbers ni Dennis.

Dahil sa bigote ni Dennis, nagkaroon ng rushes sa mukha si Katrina sa kanilang kissing scenes.

Ayon kay katrina, wala raw lasa ang halik ni Dennis. Kaya sa halip na mag-enjoy daw siya sa eksenang ‘yun, nasaktan pa siya. Ilang araw ding ininda ni Katrina ang rushes niya sa mukha.

Sabi naman ni Dennis, lasang strawberry ang lips ni Katrina kaya enjoy na enjoy siya sa lips-to-lips scenes nila. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites