<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, May 26, 2008

Lorna Tolentino, nurse of the year

“Okay naman kami. Last night, nag-blood transfusion si Rudy (Fernandez) this morning. Kasi bumaba ang hemoglobin niya. So far, isa-isang maaayos yung mga diperensiya, kaya okey naman,” sabi ni Ms. Lorna Tolentino tungkol sa kalagayan ni Daboy the other day sa Startalk habang nangungu­musta sina Tita Lolit Solis at Butch Francisco kung saan siya dating co-host ng programa ng kalagayan ng aktor.

Matagal-tagal na ring nasa hospital si Daboy at so far, patuloy umano ang pakikipaglaban nito sa kanyang karamdaman. At kung gaano na katagal si Daboy sa hospital, ganun na rin katagal si LT sa hospital na nagbabantay. “Nay, minsan pag-okay si Rudy, siyempre lahat kami okay. Hindi lang ako. Siguro lahat ng nagmamahal sa kanya. Kapag medyo humihina ang resistensiya niya o may isang problemang dadating sa health niya, lahat kami natataranta. Natural lang siguro yun,” pahayag ni LT na ramdam mo ang sakit sa kanyang puso.

Kung tutuusin, wala talagang kapantay ang ginawang pagbabantay ni LT kay Daboy. Sabi ni Butch, si LT na talaga siguro ang puwedeng tawaging ‘nurse of the year’ at masasabing walang kapaguran. Pero sabi nga ni LT: “’Pag nakikita ko naman what Rudy is going through, parang bale wala yun. Minsan nga nahihiya siya amin, sa mga nag-aalaga sa kanya. Pero sinasabi ko, ‘Bale wala ito sa pinagdadaanan mo,’” sabi ni LT over the phone sa interview nina ‘Nay Lolit at Butch.

Umiiyak din daw siya though never niya itong ipinakita kay Daboy. Pero ginawa raw niya yun minsan dahil may pinag-usapan sila. “Pero the rest, hindi ko ipinapakita na pinanghihinaan ako ng loob. Kasi mahirap din para sa kanya, kailangan niya ang lakas.”

Kahit daw ang maraming dumadalaw ay never na nagpakita ng kanilang nararamdaman as in pigil na pigil ang emosyon.

Dahil sa kanyang kaabalahan sa asawa, hindi na raw niya masyadong naasikaso ang dalawa nilang anak: “Medyo hindi ko naaasikaso yung mga anak ko ngayon. Siguro naman naiintindihan nila. Nag-uusap lang kami, nagte-text,” sabi niya.

Mahaba-haba ang interbyuhan nila at marami silang napag-usapan kasama na rito ang silver wedding anniversary nila ng aktor sa June 1. Kaya nga natanong ni Butch si LT kung may renewal of vows bang mangyayari. “Wala kaming plano, so far. Siyempre, we live each day at a time, one day at a time. Siguro, hindi namin maiisip ‘yun, lalo na ngayon. Ang importante magkasama kami.”

Nagpasalamat din si LT sa lahat ng sumusuporta: “God will heal him. Siguro yun yung mga hindi mo matatawaran na ginagawa nila for him. Maraming salamat po sa lahat na nagbibigay ng pagmamahal at panalangin para kay Rudy,” pahayag pa ni LT.

Lumalaban naman daw si Daboy lalo na’t may mga katulad ni Senator Jinggoy Estrada na andyan para sumuporta sa lahat ng oras. Naalala pa nga ni Tita Lolit ang eksena nina Sen. Jinggoy at Daboy nang minsang makasabay niya itong dumalaw kung saan di raw napigilan ni Nay Lolit na maiyak. Pero ayon kay LT, pupunta raw noon si Sen. Jinggoy sa Hawaii at nagpapaalam ito kay Daboy.

Marami nang nagdadasal sa aktor, pero kailangan niya ng dasal.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites