<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, May 24, 2008

Marian Rivera at lalaking nakabangga, nagkabati na

Siniguro ng isang Lawrence Marbeda na makararating sa amin ang in-email niyang video ni Marian Rivera na tinawag niyang Pagmumura at pagwawala sa shooting ng Dyesebel, kaya tatlong beses niyang ipinadala sa amin ’yun.

Kasama kaya ng taong nakabangga ng actress ang kumuha ng video?

Pinanood namin ito at ikinuwento kay Marian kung ano ang nasa video nang makausap namin sa taping ng Dyesebel.

Matagal na palang nangyari ’yun at nagulat pa ito kung bakit ngayon lang kumalat at na-post sa YouTube.

Hiningi at pinakinggan namin ang side ni Marian sa ikinakalat na video na nangyari sa taping nila sa Subic.

“Sa Subic nga nangyari ’yun. Alam ng lahat na bawal mag-video, lalo kung ’di pa umeere ang eksena. Nakita ko ’yung mama na nagbi-video, kaya biniro ko na bawal ang ginagawa niya.

“Tinanong ko pa kung taga-saan siya. Sumagot siya ng pabalang at nagulat ako. Sabi, ikaw ba ang bini-video ko? Nagkasagutan kaming dalawa. Tinanong ko uli kung staff siya? Ang sagot, nakaupo raw siya at ano raw ang pakialam ko?

“Kahit payat at maliit ako, ’di ako papayag na apihin ako, Caviteña ako. Walang nang-aapi sa akin, lalaban ako. Nagulat lang ako, ba’t ganu’n ang reaction niya. First time may gumawa sa akin ng ganu’n at lalaki pa.”

May kasama ang video na paulit-ulit na sinampal ang lalaking nakasagutan ni Marian, pero hindi ipinakita kung sino ang nanampal at kamay lang ang nakikita. Parang lumalabas na ang actress ang nanampal, bagay na itinanggi nito.

“Wala akong sinampal, nagkasagutan lang kami. ’Di ko nga siya hinawakan,” pahayag ni Marian.

Ang hindi nakunan o sinadyang hindi i-follow-up ay ang nangyari the day after the incident kung saan nagkausap sina Marian at ang lalaking nakabangga niya.

Sabi ni Marian: Kinabukasan, pumunta uli siya sa set, bumalik siya at nagka-usap kami. Nahimasmasan yata, nagkaayos kami at nagkapaliwanagan. Alam ko sa sarili ko na wala akong masamang ginawa at ipinagtanggol ko lang ang sarili ko, dahil binastos ako.”

Sa nagsabing baka frame-up ang nangyari, ang sagot ni Marian ay “Bahala na sila. Ang importante sa akin, ’di ako nag-power-trip. Okey lang sa akin siraan at pintasan, tanggap kong part ’yun ng showbiz,” sabi nito.

Mabuti na lang at hindi nasira ang mood ni Marian sa dala naming balita, dahil after her scenes sa Loyola Grand Villas, tumuloy pa sila ni Dingdong Dantes sa Ocean Park for more scenes na kukunan ni Direk Joyce Bernal.

Thankful ito sa tuluy-tuloy na suporta ng fans sa kanya at sa top-rating na Dyesebel. [source]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites