<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, May 24, 2008

Marian Rivera: Wala akong sinampal

Isa kami sa in-email ni Lawrence Marbeda ng video ni Marian Rivera sa taping (hindi shooting) ng Dyesebel. Pinamagatan nitong Pagmumura at Pagwawala ni Marian sa shooting ng Dyesebel ang video na under sa Marian Scandal sa YouTube. Pinanood namin ang video at tama namang may press visit kami sa taping ng Dyesebel at kinuha namin ang side ng actress sa ikinalat at ikinakalat pang video.

Pagharap ni Marian sa press, ’yon agad ang aming itinanong at ikinuwento niya ang buong pangyayari sa taping na ginawa pala sa Subic.

Heto ang kuwento ni Marian: “Nasa set kami at alam ng lahat na bawal mag-video, lalo na kung ’di pa naeere ang episode. Nakita ko yung mama na nagbi-video at biniro ko na ‘kuya, bawal mag-video.’ Sumagot siya nang pabalang na ikinagulat ko. Ang sabi, ako raw ba ang bini-video ko? Nagkasagutan na kaming dalawa at nagulat ako sa reaction niya. Kahit payat at maliit ako, ’di ako papayag na api-apihin, walang nang-aapi sa akin at lalaban ako. Caviteña ako.”

May ipinakita rin sa video na sinampal-sampal ang taong nakasagutan ni Marian, kamay lang nito nang nanampal ang ipinakita at ang dating sa amin, pinalalabas na ang actress ang nanampal.

“Wala akong sinampal, wala akong sinaktan at ’di ko nga siya hinawakan. Nagulat ako, matagal na ’yon. Bakit ngayon lang lumabas? First time rin na may gumawa sa akin nang ganoon at lalaki pa,” paghihimutok ni Marian.

Ang hindi nakunan ng video o sinadyang ’di kunan ay ang pagbabalik ng lalaki the next day para kausapin si Marian at nag-sorry sa nangyari.

“Nagkapaliwanagan kami at nagkaayos at wala na sa akin yun. Ngayon ko lang nalamang ikinakalat sa internet at naka-post sa YouTube. Wala akong alam na kasalanang ginawa ko at at ang alam ko, ipinagtanggol ko lang ang sarili ko,” sabi ni Marian.

Hindi na masyadong pinag-aksayahan ng panahon ni Marian ang isyu at busy siya sa Dyesebel. That afternoon na nasa taping kami, sunud-sunod ang mga eksena niya and after Loyola Grand Villas, tumuloy pa sila ni Dingdong Dantes sa Ocean Park sa may Luneta. Masaya lang ito na kahit sunud-sunod ang paninira sa kanya, hindi pa rin bumibitiw ang mga tao sa pagsubaybay sa number one telefantasya ng bansa, kaya nagpapasalamat ito sa mga fans. [source]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites