<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, May 07, 2008

Ogie-Regine movie, malabo na!

PUMIRMA na si Regine Velasquez ng two-year network contract sa GMA 7 noong Lunes.

Kasabay ng contract-signing ay in-announce na ang pagsisimula ng bagong musical show ni Regine na Songbird.

Sa Mayo 15 na raw ito magsisimula bilang kapalit sa timeslot ng ESP ni Iza Calzado.

Ayaw na ni Regine balikan pa ang problema niya noon sa GMA 7. Malaki ang pasasalamat niya at natupad ang mga dream project na gusto niyang gawin.
Bukod sa Songbird ay sisimulan na ni Regine ang Kim Sam Soon. Excited siya rito dahil type niya ang magluto na madalas niyang ginagawa tuwing Linggo kapag nagsasama silang pamilya.

Tinitiyak ni Regine na pagkatapos ng SOP, wala na siyang commitment dahil nakalaan na raw sa pamilya niya at sa pamilya na rin ni Ogie Alcasid ang kanilang Linggo.

Kahit si Ogie ay pinagsasabihan na rin ni Regine na ibakante na ang kanilang Linggo dahil iyun na lang daw ang kaya nilang ibigay na panahon sa kanilang pamilya.

Dahil sa sobrang puno na ang kanilang schedule, mukhang malabo nang matuloy ang pelikulang pagsasamahan nila sa Viva Films.

“Nahihiya na nga ako sa Viva, pero matu­tuloy rin siguro iyun. Medyo hectic lang talaga nga­yon,” pahayag ni Regine.

Iniiwasan na ni Regine na pag-usapan ang tungkol kay Michelle Van Eimeren na may balak na magbakasyon dito sa September.

Medyo nagkaproblema pala ang annulment case nila ni Ogie kaya mas mabuting tahimik na lang muna siya. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites