<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, May 12, 2008

Rudy Fernandez bumuti ang kalagayan

NATULOY ang scheduled healing Mass para sa cancer-stricken na si Rudy Fernandez kahapon ng hapon sa Christ the King Church sa E. Rodriguez Avenue.

Wala man ang actor at ang asawa nitong si Lorna Tolentino, nakibahagi naman sa Misa ang mga anak nilang sina Ralph at Renz.

Buo rin ang suportang ipinakita ng mga kaibigan nina Daboy na sabay-sabay na nagdasal para sa kanyang madaliang paggaling.

Namataan sa Misa sina Susan Roces at anak na si Grace Llamanzares, Robin Padilla at Ai-Ai de las Alas (ng pelikulang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy!), Gloria Romero, Perla Bautista, Boots Anson-Roa (Mowelfund executive director), Rizal Gov. Jun-jun Ynares at misis na si Andeng Bautista, atbp.

Naroroon din ang dalawa sa tatlong showbiz buddies ni Daboy na sina Senator Jinggoy Estrada at Phillip Salvador. Wala man si Sen. Bong Revilla, dahil sa 1st Bong Revilla Cup sa Central Colleges of the Philippines, nagbigay naman ito ng mensahe sa nakaratay na kaibigan.

Ani Sen. Bong, “Iba si Daboy, isa siyang tunay na kaibigan, maaasahan sa lahat ng oras at bagay. He’s in pain now, pero sana, sa pamamagitan ng ating sama-samang pagdarasal, mawala na ’yung pain na ’yon.”

Si Sen. Jinggoy naman, na pinakaapektado sa tatlo sa pagkakasakit ni Daboy, ay naniniwala na ang kapangyarihan ng taimtim na pagdarasal ang magsasalba sa matalik na kaibigan.

Sa pagkakaalam namin, iba ang level ng pagkakaibigan nina Daboy at Sen. Jinggoy. Nu’ng panahon kasing nakakulong ang huli kasama ang amang si dating Pangulong Erap Estrada, araw-araw itong binibisita ni Daboy mapa-Sta. Rosa o Veterans Medical Center.

Si Sen. Jinggoy na mismo ang minsang nagsabi na ibang klase talagang kaibigan ang asawa ni LT, dahil ni minsan, nu’ng mga panahong down na down siya at ang kanyang pamilya, hindi sila iniwan nito.

Kaya naman ganu’n na lang siya kalungkot nang madiskubre ang sakit na cancer ni Daboy dalawang taon na ang nakararaan.

Hindi nga niya maiwasan na ’di maiyak tuwing mapag-uusapan ang kalagayan ng kaibigan.

Si Batangas Gov. Vilma Santos naman, hangang-hanga sa katatagan ng loob ng mag-asawang Fernandez. “Keep it up!” ang tangi niyang mensahe kay Daboy, habang ibinigay na halimbawa si LT ng isang ulirang asawa’t babae.

Samantala, may maganda namang balita na kumalat habang nagmi-Misa. Bumuti raw ang estado ni Daboy nu’ng Sabado kesa nu’ng Biyernes, Mayo 9.

Hindi kami sure kung nasa ospital pa ito, pero ang dinig namin, sumailalim si Daboy sa isang operasyon sa Cardinal Santos kamakailan lamang.

Nakikiisa po ang buong Journal Group sa panalangin na lubusan nang gumaling ang action star. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites