<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, May 31, 2008

Rudy Fernandez hirap na hirap na sa kalagayan

Halos madurog ang aming puso nang makita namin ang kalagayan ngayon ng action star at mister ni Lorna Tolentino na si Rudy Fernandez nang dalawin namin siya sa Cardinal Santos Hospital. Magkakasama kami nina Ricky Lo at Ronald Constantino na dumalaw kay Daboy (Rudy) nung Huwebes ng alas-dos ng hapon.

Maya-maya lamang ay kasunod na namin sina Mother Lily Monteverde at Direk Maryo J. de los Reyes. Sumunod naman sina Manay Lolit Solis, Gorgy Rula at Jojo Gabinete.

May nakapaskel na “no visitors allowed” sa labas ng kuwarto ni Daboy pero nakabukas ito nang bahagya kaya pumasok na kami at agad tumambad sa amin ang mag-iisang buwan nang bedridden na aktor. Payat na payat na ito, naninilaw at halos hindi na makapag-salita pero nakakakilala pa rin. Kitang-kita ring hirap na hirap na ito sa kanyang kalagayan.

Lihim naming itinago ang pagtulo ng aming luha at hindi namin halos matagalan na makita si Daboy sa ganoong kalagayan. Sandali lamang kaming nanatili sa loob ng kuwarto ni Daboy at lumipat kami sa katapat na kuwarto kasama si LT. Nasa kabilang kuwarto rin ang ibang mga kaanak nina Daboy at LT.

Sa kabila ng nakaka-depress na kalagayan ngayon ni Daboy, buong paghanga naman ang aming nadama sa kanyang misis na si LT dahil hindi ito nagpapakita ng panghihina sa kabila ng pinagdaraanan ng kanyang mister ngayon.

Twenty-four by seven (24/7) na nakabantay si LT sa kanyang may sakit na mister kahit kumpleto ng doctors at nurses ang pagamutan. Maya-maya lang kasi ay si LT mismo ang tinatawag ni Daboy. Si LT ang tumatayong special nurse at caregiver sa kanyang mister.

Hiniling ni Daboy kay LT na iuwi na siya sa kanilang bahay kaya ang kanilang den ay iku-convert na kanyang pansamantalang kuwarto na kumpleto ng mga medical amenities.

Dahil hindi ito personal na maasikaso ni LT, ang kanyang best friend at kumare na si Precy Ejercito (misis ng best friend ni Daboy na di Sen. Jinggoy Estrada) ang siyang namamahala nito kaya isa sa mga araw na ito ay lalabas na ng pagamutan si Daboy. Sa bahay na lamang siya magpapagaling at hihintayin ang itinakda sa kanya ng Diyos.

Samantala, sa kabila ng patuloy na pag-deteriorate ng kalusugan ni Daboy, kanyang nararamdaman ang patuloy na panalangin ng mga taong nagmamahal sa kanya.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites