<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, May 01, 2008

Rufa Mae Quinto apektado ang trabaho dahil sa boyfriend

Pinabulaan ni Rufa Mae Quinto na break na sila ng kanyang foreigner-boyfriend. Sila pa rin daw dalawa ni Bobby hanggang ngayon kaso parang nahihirapan na siya sa kanilang long distance relationship.

Kinakailangan kasing bisitahin niya ang kanyang BF sa Hong Kong maya’t maya kasi madalas daw niya itong nami-miss. Kaso medyo nagsa-suffer raw ang kanyang work dahil dito.

Halimbawa na lang nitong nakaraang shooting nila ng pelikulang ITALY sa Europe. Aba, ang buong cast ay nasa Europa na pero kailangan pang hintayin siya ng isang araw dahil nag-side trip muna siya sa Hong Kong para makapi-ling ang BF niya.

Ganoon din ang nangyari pagbalik sa Pilipinas, dumaan na naman siya saglit ulit sa Hong Kong kaya hindi siya nakasipot sa Showbiz Central.

Pati doon sa premiere night ng Manay Po 2: Overload na ginawa sa Megamall kinagabihan, dumating siya nang natapos na ang movie at nagbukas na ang ilaw.

Ang daling sabihin na makipagkalas na lang siya sa BF niya para hindi nagkakaroon ng aberya ang sked niya. Pero napakahirap gawin dahil mahal na niya ito talaga!

Well, ito na naman ang classic example ng choosing between love ang career!

* * *

Super controversial ang napabalitang P30M exclusive contract na pinirma-han ni Rufa Mae lately sa GMA. No wonder ang dami niyang shows sa GMA.

Aba, kasama rin siya sa Dyesebel in a very special role bilang isang Sea Witch na may kapangyarihang bigyan ng mga paa at ang mga sirena.

Sa sobrang kabisihan nga niya ay hindi na niya nakuhang dumalo ng pre-scon dahil nasa taping siya ng Bubble Gang that time. Wala rin siyang time para umattend din ng pictorial ng show kaya naman wala kang makikitang publicity photos niya sa press kit ng Dyesebel.

What’s more, kaliwa’t kanan din ang pag-shoot niya ng mga pelikula. Lalo pa ngayon na nagpo-produce na rin siya ng sarili niyang mga movies.

Sa totoo lang, dream role raw niya ang maging isang leading lady naman sa pelikula. Kasi karamihan daw sa pelikula niya ay siya ang title role.

Gusto naman daw ni-yang gumawa ng isang love story tulad ng mga ginagawa ni Regine Velasquez. At gusto rin ni-yang makapareha sa movie sina Aga Muhlach at Piolo Pascual tulad ni Regine.

Well, matupad naman kaya ang kahilingan na ito ni Rufa Mae? Paging GMA, Regal and Viva Films! [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites