<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, June 05, 2008

Ara Mina gustong bumalik sa Bubble Gang

areho na ngang nakapag-move on ang ex-sweethearts na sina Ara Mina at Jomari Yllana. Si Ara ay panandaliang nakipagrelasyon sa actor na si Polo Ravales habang si Jomari naman ay going strong pa rin ang relasyon kay Pops Fernandez.

Noong nakaraang Biyernes ng gabi, muling pinagtambal sina Ara at Jomari sa Maalaala Mo Kaya na pinamagatang Laot na dinirek ni Jeffrey Jeturian na siya ring nagdirek sa pelikulang Minsan Pa nina Ara at Jomari may apat na taon na ang nakakaraan.

“Magkaibigan kami ni Jom at pareho kaming artista kaya hindi talaga imposibleng muli kaming mag­ka­trabaho,” ani Ara.

Wala bang na-rekindle sa muli nilang pagtatambal kahit sa telebisyon lamang?

“May dapat bang ma-rekindle?” balik-tanong ni Ara.

Hindi ikinakaila ni Ara na nami-miss niya ang kan­yang mga kabarkada sa Bubble Gang na nakasama niya ng mahigit sampung taon.

Walang pinirmahang exclusive contract si Ara sa ABS-CBN kaya kung pa­payag ang GMA Manage­­­ment, puwede pa rin siyang bumalik sa Bubble Gang lalupa’t hindi naman kalaban ang teleserye na sa hapon naman napapanood. Pagka­ta­pos ng Prinsesa ng Ban­yera, may kasunod na siyang TV series, ang Ligaw na Bulaklak na pinagbi­bidahan ni Roxanne Guinoo.

Kahit loveless, hindi ito dahilan para hindi maging masaya si Ara lalupa’t hindi siya nawawalan ng trabaho.

Bukod sa kanyang bagong TV series na Ligaw na Bulaklak, in-demand si Ara sa mga shows and con­certs hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Ngayong July ay nakatakda siyang magtanghal sa Australia kasama sina Rico J. Puno, Hajji Alejandro at Rey Valera. Meron din siyang series of shows kasama ang APO sa Canada, Dubai at Amerika sa buwan ng Oktubre.

Alam ni Ara na hindi sa lahat ng oras ay may trabaho sa showbiz kaya gusto niyang may iba siyang pagkakakitaan bukod sa kanyang pagiging isang singer-actress kaya matapos niyang isara ang Osteria sa Tomas Morato ay nagbukas naman siya ng Cafe Mina sa Riverbanks.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites