<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, June 16, 2008

Lorna Tolentino nag-uumpisa pa lang magluksa

Kahapon ang pasiyam para kay Rudy Fernan­dez na naging memorable para sa kanyang pamilya dahil nataon ‘yon sa Father’s Day.

Nagkaroon ng misa sa harap ng puntod ni Daboy sa The Heritage Park na dinaluhan ng kanyang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Hindi ako lumalabas ng bahay tuwing Linggo pero ayokong ma-miss ang pasiyam para kay Rudy.

In fairness sa akin, dalawang linggo na akong walang alok bati sa Startalk dahil ipinagluluksa ko pa rin ang pagkamatay ni Rudy.

Wala pang maibigay na sagot si Lorna Tolentino kung kailan siya babalik sa aming show dahil aasikasuhin pa niya ang maraming bilin ng kanyang asawa.

Kasama sa mga huling habilin ni Rudy ang pagsa­ma-samahin ang mga labi nila ng kanyang mga yu­maong magulang.

Nagbago na rin ang isip ni LT. Hindi na siya sure kung itutuloy pa niya ang plano na paglipat ng bahay. Siya mismo ang nagsasabi na magulo pa ang isip niya sa kasalukuyan.

* * *

Private ang misa kahapon. May bilin sa mga security guard ng The Heritage Park na huwag magpa­pasok ng media.

Naintindihan naman ng media ang pakiusap ng naulilang pamilya ni Daboy dahil mula nang mamatay ito, 24/7 din ang coverage ng TV crew sa funeral chapel.

Kahit nagluluksa si LT at ang kanyang mga anak, pinagbigyan nila ang mga request na magpainterbyu sila, VTR man o live.

* * *

Tuloy-tuloy ang padasal para kay Rudy mula noong June 7 hanggang kahapon.

Nagkaroon ng misa sa bahay nila noong Sabado at dito ako dumiretso, pagkatapos ng Startalk.

Gaya nang sinabi ni LT, tanggap na niya ang pagi­ging biyuda kaya nag-umpisa na siyang magsuot ng itim na damit bilang pagluluksa sa pagpanaw ng kan­yang mahal na asawa.

* * *

A wedding and a funeral ang drama ng Startalk noong Sabado. Ipinakita ang church wedding nina Cacai Velasquez at Raul Mitra at ang coverage ng paglilibing kay Rudy.

Matagal nang plano ang coverage sa Tagaytay wedding nina Cacai at Raul pero namatay nga si Rudy noong June 7.

Maraming showbiz issue ang natabunan ng pamamaalam ni Rudy sa mundo at ito na nga ang biggest showbiz news ng 2008.

Dinedma muna ng mga intrigera ang away ni Sunshine Cruz at ng kanyang hipag.

Nakalimutan na nila ang pagkawala ni Sunshine Dizon sa cast ng Gaano Kadalas Ang Minsan at hindi na sila interesado sa intriga tungkol kay Judy Ann Santos at sa Meralco.

Pero back to normal na uli ang showbiz dahil nailibing na si Rudy. Aware na uli ang mga mahihilig sa pagkakakidnap kay Ces Drilon na nag-request ng tissue.

Para sa iba, simpleng-simple ang request ni Ces pero sa tulad niya na bihag sa isang lugar na liblib, malaking bagay na mapagbigyan ang kanyang hiling na padalhan siya ng tissue paper.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites