<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, June 13, 2008

Lorna Tolentino, titigil sa pag-arte

NATUPAD ang wish ng pamilya Fernandez na maging solemn ang paglilibing sa yumaong action star na si Rudy Fernandez sa Heritage Park bandang alas-tres ng hapon kahapon.

Pribado at limitado sa pamilya, kamag-anak at malalapit na kaibigan ang libing ni Daboy, although marami pa ring tagasuporta ang dumalo’t sumaksi ng kaganapan sa labas ng Heritage Park compound.

Pawang nakaputi ang mga nakipaglibing. Ang itim na kabaong ni Daboy ay isinakay sa itim na carriage na napalilibutan ng mga puting bulaklak at hila-hila ng isang puting kabayo.

Dahil malapit lang sa burial site ang Chapels 7-10 na pinaglagakan kay Daboy ng ilang araw, naglakad kasunod ng carriage ang pamilya nito’t mga kaibigan, sa pangunguna ng biyudang si Lorna Tolentino, mga anak na sina Ralphe, Renz at Mark Anthony Fernandez.

Naroon din siyempre ang bosom buddies ni Daboy na sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Phillip Salvador, Tirso Cruz III, former President Joseph “Erap” Estrada, Susan Roces, Aga Muhlach and wife Charlene Gonzales, Gabby Concepcion, Claudine Barretto and hubby Raymart Santiago, Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kasama sina Ruffa, Richard at Raymond, at marami pang iba.

Matapos bendisyunan, binuksan ang kabaong ni Daboy sa kahuli-hulihang pagkakataon at doo’y hinagkan ng umiiyak na si LT, mga anak at kaibigan.

Umawit si Jamie Rivera ng Amazing Grace, nagpalipad ng mga puting kalapati at nagkaroon pa ng gun salute at paglalagay ng bandera sa casket ng namayapang aktor bilang pagpupugay sa dating posisyon bilang pinuno ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino (KAPP).

Sa panayam kay Lorna bago ang libing, sinabi nitong hindi muna siya tatanggap ng anumang trabaho para bigyan ng panahon ang sarili na makapagpahinga at maasikaso ang mga habilin sa kanya ni Daboy. Wala siyang binanggit na time frame kung kailan siya babalik sa larangan ng pag-arte.

Samantala, sa isang hotel room na inayos ng mga kaibigan muna tutuloy ang aktres kasama sina Ralphe at Renz pagkatapos ng libing.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites