<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, June 03, 2008

Manager ng Fil-Brit sports figure, inirereklamo si Rhian

Intriga ang sumalubong kay Rhian Ramos nang dumating mula sa 3rd Asian Super Model Contest sa China.

Tungkol ito sa lumabas diumano sa Facebook account niya kung saan inaway, minura at tinawag na losers ang fans nina Marian Rivera, Heart Evangelista at Nadine Samonte na nagpi-petition para sa mga idolo nila ibigay ng GMA-7 ang Pinoy version ng Full House, dahil sa kanya na raw ang project.

Bukod doon, gumamit pa ng salitang “f—k” ang obviously ay fake na Rhian at ang lalong ikinasama ng loob ng young actress, binanggit pa ang pangalan ng tatlong artista.

Umiyak ito habang ini-interview ni Raymond Gutierrez sa Showbiz Central, dahil mas marami raw ang magagalit sa kanya.

Nakiusap ito na tigilan na siya ng mga naninira sa kanya.

“I think I don’t deserve it. I’m not doing anything bad to any one. ’Di ko alam, nag-aaksaya sila ng effort para siraan ako. Sa ibang isyu, ’di ako umiyak, pero sobra na ito. I’m affected at nakakalungkot na wala akong ginagawa, gusto ko lang magtrabaho,” sabi ni Rhian.

Nilinaw din nitong nag-audition siya para maging host ng Pinoy Idol Extra with Karylle at hindi niya nakuha ang trabahong ’yun dahil sa kanyang Tita Ida (Henares).

In fairness, okey mag-host si Rhian, considering na first hosting job niya ito sa Channel 7.

Pero, mukhang hindi titigilan si Rhian, dahil may bagong isyu na naman sa kanya na kumakalat sa Internet.

Kahit walang clue, in-assume ng mga galit sa kanya na siya ang “starlet” na tinukoy sa isang blind item na inirereklamo ng manager ng isang Fil-Brit sports figure na nanggugulo rito by sending fake preggy photos at mga litratong naka-underwear lang.

Minsan nang naitanong ni Rhian sa press kung kailan daw siya titigilan ng kanyang detractors?

Malabong tumigil ang mga ito habang patuloy siyang nasa showbiz.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites