<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, June 13, 2008

Pangako ni LT Kay Daboy: ‘Wait for me, ‘til we meet again. I love you very much’

Nakaka-touch ang mga sinabi ng tatlong anak ni Rudy Fernandez sa ginanap na necrological service sa huling gabi ng lamay ng action star sa The Heritage Park last Wednesday night.

Si Renz ay gumawa ng sulat para sa kanyang daddy dahil hindi raw siya sanay mag-speech. Lubos ang pasasalamat niya sa kanyang papa at mami-miss daw niya ang pagbo-boxing nila.

Pero mas sobrang nakakaiyak ang sinabi ni Ralphe na halos nanginginig nang mag-speech: “Mabigat, mahirap, wala na akong mayayakap. Wala na akong mahahalikan sa pisngi. Umaasa pa ako sa himala. Kahit ngayon, gusto ko siyang bumangon,” sabi ni Ralphe na nagpaiyak sa maraming nag-attend sa eulogy.

Si Mark Anthony ay gumawa rin ng sariling sulat sa kanyang ama. “Si papa po ang aking inspirasyon. Kaibigan, kasangga. Papa kung nasaan ka man, mabubuhay ka sa aking alaala. Ikaw ang idolo ko ’di ko lang sinasabi,” bahagi ng sulat ni Mark.

Binigyan naman ng standing ovation si Ms. Lorna Tolentino na naging dakilang asawa kay Daboy. “Alam ko pong nasa langit siya ngayon, sigurado po ako dun, 100 % dahil sa hinaba-haba ng aming pag-uusap, at sa hinaba-haba ng kanyang mga bilin, alam kong Diyos ang kapiling niya ngayon.

“It’s not going to be easy without you. I will try my best. Yung mga anak mo paki-batukan, mahirap maging isang ama at ina, lalo na sa edad na ito, they are complicated, merong itinatago. May hindi sila sinasabi. Iba pa rin ang bonding sa ating dalawa. Guide me. Kinantahan kita na Hawak Kamay tayo sa lahat ng pagdadaanan natin, hawakan mo ang kamay ko. Alam kong andyan ka. Lamigin akong tao, for the past few days, laging mainit ang palad ko kaya alam kong nandiyan ka pa rin.

“Alam ko kung gaano mo ako kamahal at sana naipakita ko rin sa ‘yo kung gaano kita kamahal. Kahit ano yung mga pagkakamali natin. Alam ko sa puso mo at puso ko na tayo pa rin. Be my angel, be our angel. Yung mga sinasabi mo. Yung mga angel sa lupa na tumulong sa ‘yo. Ikaw ang angel ko sa langit. Tulungan mo ako.

“Babe I love you very much. Wait for me, until we meet again. I love you very much,” part ng speech ni Ms. LT na nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa naging pakikipaglaban ni Daboy sa sakit na cancer.

Nakaka-touch din ang sharing ni Sen. Jinggoy Estrada.

Sabi ni Sen. Jinggoy, nagparamdam na sa kanya ang matalik niyang kaibigan. Yup, nung Tuesday night daw kasi ay medyo late siya ng dating sa lamay. So on the way to The Heritage Park, nag-yosi siya kaya ibinaba niya ang window ng kanyang sasakyan. Aba, maya-maya raw eh baba-sara na ang window ng kanyang sasakyan. Nang sitahin daw niya ang kanyang driver kung bakit nito pinaglalaruan ang control ng window, sagot daw ng driver, hindi niya ginagalaw ang control.

Kaya nga sa kanyang eulogy, nakikiusap si Jinggoy kay Daboy na kung dadalawin siya ng kaibigan, ‘wag nang magdadala ng kasama. “Sana rin mag-text ka muna bago ka magparamdam, at sana rin umaga kang dadalaw,” biro ni Sen. Jinggoy.

Sa kanilang apat na magkakaibigan, sila ni Daboy ang mas close. Sabi nga ni Jinggoy ang aktor ang nakakaalam ng mga sikretong hindi niya kayang sabihin sa kanyang asawa. “Wala na akong pagsasabihan ng mga sikreto ko. Wala na sa aking tatawag ng araw-araw. Pasensiya na wala akong tiwala sa dalawang ito (sabay tingin kina Sen. Bong at Phillip Salvador),” recalled Jinggoy sabay tawa.

Nun daw kasing nasa Tanay detention sila, si Daboy ang nagbibigay sa kanila nang lakas ng loob. Darating daw ito ng mga 10:00 p.m. na may dalang pagkain. At nang mapansin daw nitong tumataba na siya, sinabihan siya ng kaibigan na magpapayat. Dinalhan siya ng boxing gloves ni Daboy na hindi naman niya ginamit. The following day, boxing trainor naman ang dinala nito.

Kung ang tatay niyang si ex-president Joseph Estrada ay may FPJ, siya naman ay may Daboy.

Nang kumandidato rin daw siyang senador, nata­kot siya na baka si Daboy na ang iboto dahil super kampanya ito sa kanya kahit sa liblib na lugar.

Kaya naman super affected si Jinggoy sa mga pinag­daanang sakit ni Daboy.

Maging sina Sen. Bong at Kuya Ipe ay parehong masakit ang loob sa kamatayan ng itinuturing nilang peacemaker ng grupo.

Si Daboy daw kasi ang taga-ayos pag may problema sila. One example ay nang magkaroon ng gap sina Sen. Jinggoy at Sen. Bong. Siya ang matiyagang nag-aayos sa kanila hanggang maging ok uli ang barkada nila.

At kung puwede lang sanang ipunin ang luha, malamang isang balde ang naipon ko sa huling gabi ng lamay na tiyak na ang pinaka-marami ay kay Megastar Sharon Cuneta.

Grabe talaga ang iyak ni Mega. Sa kanyang speech, maraming beses siyang nagpunas ng luha dahil sa sobrang iyak, pero may moment din naman na tumatawa siya.

Bibihira ang nakakaalam na malalim pala ang friendship nila ni Daboy kaya nung una ay maraming nagulat sa sobrang iyak ni Mega. Pero sinabi niyang nag-start ang lahat nang magkasama sila sa KAPPT.

Maganda rin ang kuwento ni Nay Lolit Solis tungkol kay Daboy. Nagsimula pala sila nung panahon pa nina Daboy at Alma Moreno kung saan isa siya sa publicist ni Ness. Lahat daw nang nali-link noon kay Daboy, sinisiraan niya. Kaya nang maging sina LT at Daboy hindi niya kinakausap si LT. Hanggang ayain siya ni Daboy sa Singapore. Pero hindi pa rin sila nag-uusap - nakarating na sila ng Singapore at hanggang makabalik ng Pilipinas.

Hanggang sa manganak daw si LT at kinausap siya ni Daboy na magiging ninang siya. Dun na nag-umpisa na mag-usap sila ni LT. Bagong panganak daw ito at pakiramdam niya groggy pa sa anesthesia kaya siya kinausap ng aktres.

Since then daw, naging malapit na sila ni LT.

“Dun mo makikita kung gaano siya kabuting tao. Hindi siya namimilit,” sabi ni ‘Nay Lolit.

Lahat emosyonal. Lahat umiiyak sa tuwing may magsasalita para ishare ang magaganda nilang alaala kay Kuya Daboy.

Marami pang ibang revelations kay Daboy nang gabing yun.

Tulad nung meron pala siyang scholarship foundation na ipinasa na niya kay Sen. Jinggoy ngayon.

Pabiro ring nangako rin sina Bong, Jinggoy at Ipe na babantayan nila si Lorna para hindi na uli mag-asawa.

At kelan naman kaya mari-release commercially ang ginawang kanta ni Tirso Cruz III for Daboy? Maganda ang lyrics at tamang-tama for Daboy.

Sina Pops Fernandez at Ogie Alcasid ang kumanta ng You Raise Me Up, kumanta rin sina Jinggoy, Bong at Ipe ng Doon Lang na binago ang lyrics ni Tirso Cruz at ang theme song ng mag-asawa na Somewhere na kinanta ni Regine Velasquez.

Kasama sa mga nag-attend sa Eulogy ang mag-asawang Richard Gomez and Lucy Torres, Maricel Soriano, Raymart Santiago, Annabelle Rama at maraming-marami pang iba.

Kahapon, alas-tres ng hapon ay inihatid na siya sa kanyang magiging bagong bahay.

Binigyan siya ng 21 gun salute dahil dati palang navy officer ang aktor.

Nagpalipad din sila ng mga puting kalapati.

Dumagsa rin ang mga kaibigang nakipaglibing kasama na sina Kris Aquino na nag-cover for ABS-CBN, Aga Muhlach and Charlene Gonzales at maraming-marami pang iba.

Pigil na pigil ang iyak ni LT. Blangko ang mukha niya.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites