<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, June 25, 2008

Regine ‘overacting’ sa bagong telenovela

Super nakakatawa ang ipinakitang preview sa press ng Tagalog adaptation ng Koreanovelang Ako Si Kim Sam Soon ni Regine Velasquez.

Sa totoo lang, bagay na bagay kay Regine ang role ng isang matabang babae in her late 30s na desperado sa pag-ibig pagkatapos na iwanan siya sa altar ng kanyang fiancée.

Doon palang sa suicide attempt niya na kuntodo naka-wedding gown pa siya sa taas ng isang hanging bridge ay matatawa ka na nang husto.

Bumagay ang team-up nila ni Mark Anthony Fer-nandez na malakas din pala ang timing sa comedy.

Kapansin-pansin lang na in-adapt din nila ang style ng acting ng mga Koreano.

Uso kasi ang exaggerated acting (or overacting) sa Koreanovelas dahil dito natatawa ang televiewers sa Korea at mukhang na-ging patok naman ito sa Asian countries.

Kaya naman kadalasan ay mapapanood natin si Regine dito na medyo may pagka-hysterical ang acting kasi ito ang hinihingi ng mga Koreanovela.

Pati na ang ibang nasa cast na sina Eugene Do-mingo, Tessie Tomas, Maureen Larrazabal, John Lapus, Sheena Halili at iba pa ay puro exaggerated ang acting.

Pero nakakatawa naman itong panoorin, in fairness!

Kung mapapansin niyo sa My Girl ni Kim Chui sa kabilang network ay laging exaggerated din ang acting na ginagawa.

Nakatulong ito kay Kim dahil napansin siya nang husto ng mga manonood dahil dito.

Now, Kim is a big star dahil sa My Girl.

So it’s Regine vs Kim!

Parehong nakakatawa ang characters nila, in fairness!

At saka may pagkaka-tulad din ang storyline sa puntong “nagpanggap” bilang girlfriend ni Mark Anthony si Regine sa Ako Si Kim Sam Soon samantalang “nagpanggap” din bilang pinsan ni Gerald Anderson si Kim sa My Girl.

It’s also Mark Anthony vs Gerald sa papogian.

And we’re putting our bet to Mark kasi mas seasoned performer na si Mark at sa totoo lang, at the age of 30 ay super-delicious pa rin siya!

Ultimong si Regine ay gwapung-gwapo kay Mark at pati na rin ang sangrekwang mga babae mula sa showbiz at non-showbiz ay gagang-gaga sa kanya.

Unfortunately Mark is already married and has a 6-year-old son.

Aminado pa naman si Mark na selosa ang asawa niya pero wala itong magagawa kasi gwapo ang mister nito!

* * *

Tinambakan din ng ibang mga gwapo ang Ako Si Kim Sam Soon.

Nandiyan si Doc Hayden Kho na kahit nawiwili ngayon sa showbiz ay hindi pa rin nito tatalikuran ang pagiging doktor daw niya.

At kahit nagkalat ang magagandang babae dito sa showbiz ay nananati-ling bulag siya sa pagmamahal niya kay Dra. Vicky Belo.

Nandiyan si Wendell Ramos na ex-fiancee ni Regine sa istorya na iniwan ito sa altar.

Kapansin-pansin ang pangingitim ng mata ni Wendell sa presscon ng Kim Sam Soon na natamo sa isang aksidenteng nangyari sa KapusoOlympics na kina-highblood ng manager nitong si Douglas Quijano.

Nandiyan ang bagitong si Mart Escudero na tulad ni Mark Anthony ay ang mga mapupungay na mga mata ang pang-akit sa girls.

Nandiyan ang more-nong hunk na si Marcus Madrigal at ang tisoy na si Arthur Solinap, pati ang Starstruck avenger na si Kevin Santos.

So, ano pa ang hahanapin mo, Leo B?

[via]

Labels:

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kim sam soon ni regine? eh ung isang show nga nya na puro kantahan eh hindi mag rate kaya inilipat ng araw e2 pa kaya. laos n kc ang song bird... LAOS N SI REGINE VELASQUEZ.. hhahahahahaah

9:07 PM  
Anonymous Anonymous said...

kim sam soon ni regine? eh ung isang show nga nya na puro kantahan eh hindi mag rate kaya inilipat ng araw e2 pa kaya. laos n kc ang song bird... LAOS N SI REGINE VELASQUEZ.. hhahahahahaah

9:07 PM  
Anonymous Anonymous said...

oky nmn ung Kimsamsoon ah..,in fact bagay kina mark and regine,kaso nga lang..nasobrahan sa taba si regine samantalang chubby lang nmn si kim sam soon.WELL-sa my girl nina kim chiu and gerald..para lang silang naglalaro ng bahay bahayan.Matured yung chareacter ni julian pero mukhang TOTOY si geald,sobrang halata.okay lng k kim.,cos shes undeniably pacute!...MAS OKAY pa sana if TONY and SAM ang gumanap.mas astig!mas gayang gaya pa!mataas nga ang ating pero almost mga bata like my 10 yr old sister lang ang kinikilig.nakakawalang gana manood kc halatang bahay bahayan lng ang drama nila.DONT DENY IT!

4:03 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites