<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, June 09, 2008

Regine Velasquez dalawang beses iniyakan si Daboy

SOBRANG apektado si Regine Velasquez ng pagkawala ni Rudy Fernandez. Sa presscon ng Urduja last Saturday night, dalawang beses siyang natanong ng TV crew at reporters tungkol kay Daboy at dalawang beses din siyang napaiyak.

“I think the whole industry is very, very sad. Nagluluksa ang buong industriya sa pagpanaw ni Rudy Fernandez,” aniya at napaiyak na naman siya nang ipaalala na nakanta pa niya sa last birthday ni Daboy ang paborito nitong kanta na Pangako.

Request daw talaga ’yun ng aktor.

“No, because I promised him na kung gusto niyang maaliw, tawagan niya ako at kakantahan ko siya. Pero gusto ko talagang gawin ’yun,” sabi ni Songbird.

Actually, ani Regine, si Ogie Alcasid (boyfriend niya) talaga ang barkada ni Daboy, dahil nagkasama pala ang dalawa sa isang pelikula noon.

“Pero, meron akong brief encounter with him na naging favorite person ko siya. Sobrang mabait siya talaga. Actually, nakainuman ko siya. ’Yun ’yun, na dinaya-raya niya ako kasi tagay siya nang tagay sa akin, tapos siya, ice lang ang inilalagay sa baso niya.

“Sabi ko, ang daya mo, ah! Tapos, hangang-hanga siya sa akin dahil nakakatayo pa ako. Nu’ng magkita kami ulit, sabi ko, ‘ano ka ba, nu’ng dumating ako sa bahay, sumuka kaya ako.’

“So, tawa siya nang tawa. You can see that he’s really a funny guy, he has a great sense of humor. I had wonderful memory of him dahil sa tequila,” natatawa niyang pagre-reminisce.

May message ba siya for Lorna Tolentino?

“Ayaw ko munang abalahin siya ngayon dahil alam ko ang pinagdaraanan niya. Siguro the best to do ay pray for her. Alam ko na marami naman siyang kaibigan na nandiyan para sa kanya. Ogie and I, we’re here for her if she needs anything,” sambit niya.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites