<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, June 17, 2008

Rufa Mae Quinto hirap mag-move on

Sa wakas, nagsalita na si Dingdong Avanzado. Siya ang boses na hinintay ng lahat sa pagitan ng agawan at sulutan isyu nina Jessa Zaragoza at Rufa Mae Quinto.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Dingdong sa The Buzz, sinabi ng singer, akala umano niya keeping his silence was the most gentlemanly thing to do. Hinayaan lang muna niya na si Jessa ang magsalita. Pero hindi pa rin tumigil ang small talks about them hanggang nagpasya na nga si Dingdong to come out in the open.

Seryosong sinabi ng singer na totoong nagkaroon sila ng understanding at samahan ni Rufa Mae years ago pero mariing sinabi nito na it never came to a point na naging seryoso ang kanilang relasyon o naging committed sila sa isa’t isa.

In short, ang gustong sabihin ni Dingdong, never daw niyang pinagsabay sina Rufa Mae at Jessa.

Nagpasya rin daw si Dingdong na magsalita because he feels he has to stand up for his wife and his daughter.

Gusto raw ipaalam ni Dingdong sa lahat na kailanman ay hindi minaliit ng pamilya niya si Jessa at ni minsan ay hindi nahirapang makisama ang asawa niya sa kanyang pamilya.

Gaya ni Rufa Mae, gusto rin aniya ng singer na magkaroon sila ng tahimik na buhay, tutal naman daw ay may kani-kanya na silang buhay na hinaharap.

“Nasa Amerika na nga kami, eh,” katwiran pa ni Dingdong. Kaya laking gulat na lang daw niya na may mga isyung ganito pa rin siyang sinasagot after many years.

Aminado rin si Dingdong na totoong nagkaroon ng pisikalan sa pagitan noon nila ni Peachy (Rufa Mae) dahil sa isang third party.

Mariing sinabi naman ni Dingdong na hindi siya ang naging pisikal at that time.

Whatever. Basta ang tingin namin sa lahat ng ito, nagsimula dahil hindi piniling makasama at mahalin ni Dingdong si Rufa Mae.

Masakit nga naman ‘yun para sa isang babae. Ito ang dapat maunawaan ni Dingdong.

But still, kailanman ay hindi matuturuan ang puso.

Tama ba ako, Lykaboo?
* * *
Nu’ng pinanood naman namin ang panig ni Rufa Mae sa Showbiz Central, halatang hyper ang sexy TV host.

Sinabi ni Peachy na kahit kailan ay wala siyang sinabi na inagaw ni Jessa si Dingdong sa kanya or something to that effect.

Ang sinabi lang daw niya ay bakit hindi siya ang napili ni Dingdong?

O, ‘di ba? Very cinematic.

Kapansin-pansin din sa bandang huli ng panayam kay Rufa Mae ay bumigay na ang komedyana. Napaiyak na ito sa inis at hindi naman maipagkailang nasaktan din siya sa mga sinabi ni Dingdong.

Sa pagtatapos ng kuwentong ito (hopefully), sinabi ni Peachy, marahil daw ay kay Dingdong siya walang naalalang magandang pinagsamahan sa lahat ng naging ex niya kaya hindi maganda ang naikuwento niya sa kanyang mga panayam.

Ganoon pa man, hangad ni Rufa Mae na makapag-move on na raw silang lahat at makalimutan na ang hindi kagandahang pangyayaring ito.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites