<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, June 30, 2008

‘Showbiz Central’ turns 1

DAHIL isang taon na ang Showbiz Central, mas matitinding chika at mas eksplosibong pahayag ang inihatid ng “Intriga Capital ng Pilipinas,” lalo na sa pagtatapos ng month-long anniversary celebration ng programa kahapon.

Ang month-long anniversary celebration na Showbiz Central We Are One ay simula ng mas malaman at mas malalim na showbiz reports, mga walang takot at walang kiyemeng live interview, pati ang mga pinakamaiinit na kuwento sa loob at labas ng Hollywood.

Ang lahat ng ito ay inihatid ng isang ’di matatawaran at ’di matitinag na grupo ng showbiz talk show host na kinabibilangan nina Pia Guanio, Raymond Gutierrez at John “Sweet” Lapus kasama ang sexy segment host na si Rufa Mae Quinto at ang maintrigang co-host na si Mo Twister.

Kahapon, isang star-studded episode ang inihatid ng Showbiz Central dahil nakasama nila ang cast ng higanteng romantic-comedy sa telebisyon, ang Ako si Kim Samsoon, sa pangunguna ng Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Nakasama rin ng gang ang cast ng nakakatuwang pelikulang My Monster Mom na pinangunahan ni Annabelle Rama.

Nagsimula ang Showbiz Central We Are One first anniversary celebration sa exclusive coverage ng kontrobersyal na kasalang Vince del Rosario-Inah Revilla.

Sinundan ito ng maramdaming episode nang mamatay ang actor na si Rudy Fernandez.

Bukod dito, nagkaroon din ng update tungkol kina Jennylyn Mercado, Heart Evangelista at exclusive interview ni Pia Guanio sa Comedy King na si Dolphy.

Humarap din sina Marvin Agustin, Carlene Aguilar at Rufa Mae sa pinangingilagang segment na Don’t Lie to Me.

Kahapon, si Manay Lolit Solis naman ang sumalang sa segment na ito.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites