<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, June 24, 2008

Sipag at tiyaga, puhunan ni Dingdong

IBANG klaseng dedikasyon ang ibinibigay sa trabaho ng guwapo at sikat na aktor na si Dingdong Dantes.

Ang bawat role na ibinibigay sa kanya ay seryoso niyang ginagampanan.

Nagsimula sa showbiz si Dingdong noong 1998.

Mula noong hanggang ngayon ay napanatili niya ang dedikasyon sa trabaho, at nagbunga naman ito ng ibayong kasikatan ngayon.

“Seventeen years old lang ako nang unang mapasabak sa Thank God It’s Friday bilang si Inaki Torres. Magmula noo’y nasabak na ako sa iba’t ibang project, na kahit maliit na papel ay tinatanggap ko para sa exposure. “Kung ang iba’y sinasabing laruan o sideline lang ang pagsu-showbiz, ako hindi! Ke maliit o malaking role ang aking gampanan, siniseryoso ko ‘yun. Although hindi ako nagdaan sa pagiging extra, pero pinagtiyagaan ko pa rin ang bawat maliit na papel na ginampanan ko. Katwiran ko, darating din ang panahong magiging sikat ako. Hindi man ako tanghaling pinakamalaking artista’y nagpapasalamat na rin ako dahil napasok ko ang mundong gustung-gusto ko!”ani Dingdong sa interview namin kamakailan.

Kung tutuusin, maikling panahon lang ang sampung taon(1998-2008) ng pakikipagbuno niya sa mundo ng intrigahan, dahil sa puntong ito ng kanyang career ay masasabing ‘made’ na siya bilang aktor.

Ang maganda sa career ni Dindong, consistent ang level ng kanyang pagsikat.

Walang gap, tuluy-tuloy. Palibhasa hindi nga siya namimili ng project, basta masalang, sige lang. ‘Yung ibang aktor na kasabayan niya, wala nang career ngayon, pero si Dingdong naririto pa rin, at tila hindi matinag sa kanyang puwesto.

“Tiyagaan lang ang pag-aartista. Kung mainipin ka sa mundong ito, walang mangyayari sa career mo! Ako nga, bago nakarating sa kinaroroonan ko ngayon, eh, talagang nagtiyaga. Wala akong sinayang na sandali, basta may offer, tanggap agad. Hindi ako namimili ng project, basta ‘wag lang naman extra. Ngayon, may maganda akong exposure, may magandang kita, magaganda ang projects at nagbibida na! Bukod sa mga teleserye at nagawa kong pelikula before, endorser pa ako ng iba’t ibang produkto tulad ng Bench at ang pinakahuli ko ngayon ay ang Gran Matador Brandy na gawa ng San Miguel. Tiyagaan lang talaga ang lahat, and of course pag-aalaga sa image at pagpapaunlad ng acting ability,” dagdag pa ni Dingdong.

Ipinagmalaki ni Dingdong na sumikat siya nang husto sa teleseryeng Marimar at ngayo’y sa Dyesebel kung saan parehong katambal niya si Marian Rivera.

Naging bukambibig ang kanyang pangalan bilang si Sergio sa Marimar at si Fredo sa Dyesebel. Itinuturing din ni Dingdong na pinakamagandang pelikulang nagawa niya ang Moments of Love nila ni Iza Calzado at Eternity na gawa ng GMA Films.

“Kumita sa takilya ang dalawang pelikulang nabanggit, pero mas naging in demand ako sa Marimar at Dyesebel namin ni Marian. I consider myself very lucky when I paired to Marian. Ibang klase ang idinulot nito sa career ko. Lucky charm ko si Marian.”

Itinanong namin kay Dingdong kung anu-ano ang ‘ibinigay’ sa kanya ng kasikatan.

Aniya: “Siyempre unang-una ay financial aspect. Ikalawa ay some sort of influence.”

At kung papaano niya inaaalagaan ang natamong kasikatan, aniya: “Pagpapanitili ng maganda image. Kapag maganda ang image mo, diyan papasok ang magagandang projects. Tulad nga nitong bagong product endorsement ko, ang Gran Matador Brandy, ang nakakalasing pero pang-sosyal at pang-masang inumin. “Siguro, kung questionable ang image ko, hindi nila ako kukuning endorser ng produkto nila,” pagtatapos ni Dingdong.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites