<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, June 17, 2008

Snooky Serna new look

NEW look na naman si Snooky Serna sa presscon ng pelikulang Paupahan.

Iba na naman ang kanyang wig at aniya, inihawig lang niya ang suot na artificial hair sa buhok niya sa nasabing movie.

Hindi pa kasi siya nagpapakalbo nu’ng ginagawa ang Paupahan at ni-request siya ng direktor na si Joven Tan at producer na si Allen Dizon to wear her old look para maka-identify ang tao sa kanyang role.

Sa totoo lang, marami ang nagulat nang bumulaga na lang isang araw si Snooky sa telebisyon na kalbo na.

Para sa isang babae na gawin ito, lalo pa nga’t artista, ano pa nga ba ang inaasahan mo kundi katakut-takot na reaksyon mula sa mga tao?

Pero say ni Snooky, may rason kung bakit niya pinaahit ang kanyang buhok.

“Kailangan ko kasing gawin ito kasi may gagawin akong pelikula. May ipino-prodyus si Leo Dominguez (her manager) na movie na launching film ni Lovi Poe.

“Ang title niya is Ang Pananamantala ni Rosa. I play a very important role na isang lesbian detective. Kaya ipina-shave ko ang buhok ko,” she explained.

Aware siya sa mga negative comment ng publiko sa kanyang bagong look at aniya, hindi siya naaapektuhan.

“Diyos ko, buhok lang ’to, maapektuhan pa ’ko, eh, kung anu-ano na ngang intriga ang pinagdaanan ko na kaape-apekto.

“Pero alam mo, you have to be open-minded. Sa America, what’s in a hair, ’di ba? Buhok lang ’yan. ’Di ka naman pumatay ng tao, ’di ka naman nagpakamatay.

“Buhok lang ’yan. It’s only an expression, an extension of your artistic expression. You want to express your art, yourself, ’di ba? Mainit ang panahon ngayon, gusto mong magpa-cut ng hair. What’s the big deal, ’di ba? Masyado lang tayong nakikialam, eh,” sabi pa ng aktres.

Bukod sa kanyang pagpapakalbo, naging kontrobersyal din si Snooky recently dahil napabalitang buntis siya at nagkaroon ng miscarriage.

May nagsasabi ring hindi siya nakunan kundi nagka-ectopic pregnancy o nagpa-abort.

Ano ba talaga ang totoo rito?

“Naku, hindi totoo ’yan,” kaagad niyang sagot. “Ang nangyari ay napagkamalang appendicitis. Sumakit nang sumakit ang tiyan ko, tapos nag-bleed ako. And I had a period (menstruation) that day. Kaya lang ako, every time I have my period, nagdi-dysmenorrhea ako. And that’s what happened. Na-rush ako sa hospital kasi ang sakit-sakit ng tiyan ko.

“Tapos ’yun na, nanganak na ’yun. Nagka-isyu na. Kesyo, ganyan, ganito, abortion, nagpa-abort, nakunan. Kaya huwag na nating patulan. Cheap,” say pa niya.

So, hindi rin totoo na may boyfriend siya ngayong politician?

“Drawing lang ’yan. Magaling lang ang mga taong mag-drawing talaga. Dapat architecture ang kinuha nila or fine arts.”

Wala raw siyang boyfriend ngayon and after two failed marriages (Ricardo Cepeda and Nino Mendoza), gusto muna niyang ipahinga ang kanyang puso.

Sinagot din ng aktres ang isyung lulong siya sa sugal. Hindi rin daw ito totoo. Pero aminado siyang nag-try siya talagang magpunta sa casino, pero hindi naman to the point na nalulong na siya.

“Lahat naman tayo nag-try siguro, ’no? Or marami sa atin nag-try mag-casino. At saka ’yung sa akin, slot machine lang naman.”

Bilang na bilang daw niya ang pagdalaw niya sa casino at ito ay limang beses lang.

Samantala, unang handog ng ATD Entertainment Productions na pag-aari ni Allen ang Paupahan, na nakakuha ng “R-13 without cuts” classification mula sa MTRCB at graded “B” naman ng Cinema Evaluation Board.

Mula sa panulat ni Dennis Evangelista at sa direksyon ni Joven Tan, the movie also stars Krista Ranillo, na sinasabing nagpaka-daring at “nagwala” nang husto sa movie.

Bukod kina Allen, Snooky at Krista, kasama rin sa movie sina Jay Manalo, Angelu de Leon, Joseph Bitangcol, Kirby de Jesus, German Moreno at Gloria Romero. It is showing on July 2.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites