<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, July 05, 2008

Aljur Abrenica sex video?

Paboritong paksa ngayon sa gay chatroom si Aljur Abrenica dahil sa kumakalat na sex video daw nito.

Na-forward sa akin ang video na iyun kung saan isang bagets na maganda ang katawan ang nagma-masturbate. Mabilis na ipinakita ang mukha na parang si Aljur nga, pero hindi ko masabing siya talaga iyun.

Ang da­ming nagtatalu-talong bading sa chatroom kung si Aljur nga ba iyun, at meron ding mga nagsi-share ng kanilang karanasan nang nakasabay raw nila ang young actor sa locker room ng isang gym.

Tinanong namin si Aljur tungkol dito at kaagad na itinatanggi niya ang tungkol sa sex video.

Pati ang pagdyi-gym niya ay kaagad na itinangging meron siyang kalandiang bading sa locker room.

“Hindi na nga po ako nagdyi-gym ngayon dahil puno ang schedule ko. At nag-iingat po ako,” pahayag ng bagets.

Aware daw siyang maraming bading ang nagnanasa sa kanya at okay lang daw sa kanya iyun.

Nakakatuwa raw na maraming bading ang sumusuporta sa kanya.
Ang daming nakakarating din daw sa kanya na mga indecent proposal pero hindi raw niya pinapansin ang mga ito.

Kapag sobrang laki na raw at makulit daw ang bading na nagpu-propose, ang Daddy na raw niya ang pinapakausap.

“Ang sa akin lang po, natural lang iyun, eh. Na­tural lang na magkagusto ang isang bading sa isang lalaki.

“Sinasabi ko na lang sa kanila, huwag kang mag-alala, hindi ako galit. Huwag lang sumama ang loob mo sa akin, tropa na lang tayo, magkaibigan na lang tayo.

“Welcome naman lahat sa akin, eh. Wala akong pinipili basta magkaibi­gan lang, tropa lang. Pero hindi po ako pumapatol sa bakla,” deretsahang pahayag ni Aljur.
Okay lang daw sa kanya na pagpantasyahan siya dahil malaking tulong daw sa kanyang career ang third sex, pero hanggang du’n na lang daw.

Aware si Aljur na ginu-groom siyang ma­ging sexy actor o hunk pero sa ngayon ay may limitations pa raw siya dahil bata pa raw siya.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites