<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, July 01, 2008

Annabelle Rama, pinalakpakan sa premiere night

GANAP na ang pagiging artista ni Tita Annabelle Rama dahil sa pelikulang My Monster Mom.

Bidang-bida siya sa nasabing comedy movie samantalang wala siyang dayalog at nagpakita lang ng katawan sa sexy flick na ginawa niya more than 20 years ago.
Perfect project para kay Tita Annabelle ang comedy dahil nakakaaliw siya sa totoong buhay.

‘Yung pagiging natural niyang ‘yon ang mapapanood mo sa pelikula, na kaswal na kaswal at hindi na niya kailangang umarte.
Nagsimula ang istorya ni Esmeralda ‘Esme’ Fajardo (Annabelle) nu’ng siya ay isa pang teen­ager (ginampanan ni Rhian Ramos) na galing ng Cebu at hindi nakapagtapos ng kolehiyo.
Nakilala niya sa Maynila ang guwaping na binatang si Waldo (Richard Gutierrez). Na-love at first sight siya kay Waldo at hindi kalaunan ay nabuntis nito.
Tumira ang 16-an­yos na si Esme kay Waldo habang nagdadalantao, pero nagawa pa rin siyang kaliwain ng pabling na binata.
Matapos hatawin ng gitara sa ulo ay iniwan ni Esme si Waldo at nagsikap mamuhay mag-isa.
Dahil hindi kayang buhayin ang kanyang sanggol na si Abigail, napi­litang ipaampon ni Esme ang kanyang anak sa kuya at hipag niyang nag-migrate sa Amerika.
Makalipas ang 27 taon ay nagbalik-Pilipinas si Abigail (Ruffa Gutierrez) para hanapin ang kanyang ina.
***
Kung gaano kalakas ang bunganga ni Tita Annabelle ay ganundin kalakas ang kanyang screen presence.
Nadodomina niya ang eksena tuwing nandoon siya.
Hindi namin masa­sabing magaling siyang aktres dahil hindi siya umaarte sa pelikula. The more na nagpapakanatural siya ay lalo siyang nakakatawa.
Nakakatawa ‘yung pagbigkas niya ng ‘pukpok’ (pokpok) at ‘pampam’ (variation ng pokpok) ‘pag nilalait niya ‘yung mga babae ng dala­wang anak niyang ba­gets na sina Boboy (JC de Vera) at Pipo (Mart Escudero) na magkaiba ang ama.
Ang lutong-lutong niyang magbitaw ng mga salitang tarantado, ulol, bwisit, peste, bruha at kung anu-ano pa, na very Annabelle Rama.
Marami siyang riot na eksena na pinalakpakan ng audience nu’ng premiere night kamakalawa.
Super laugh ang mga tao tuwing bumabanat na siya ng, “Bastos ka! Tarantada kang bastos ka!” o “Hoy! Peste kang gi-atay ka!”
Normal niya ang pagsasalita nang pasigaw, pero sa bandang en­ding ay meron ding tender moments ni Bisaya. In fairness, hindi siya pinilit pagdramahin ni Direk Joey Reyes, kaya kwela pa rin ang eksenang med­yo mahinahon siya at toned down ang pagkagiyerera.
***
Perfect opposite ng karakter ng madir niya si Ruffa, kaya tamang-tama ang balanse nilang mag-ina.
Natural din si Ruffa sa pelikula at hindi na kailangang umarte pa dahil halos ganundin ang mga eksena nilang mag-ina sa totoong buhay.
Kwela ang mga reaksyon ni Ruffa, na napapangiwi na lang ‘pag naloloka at nawiwindang siya sa mga hirit ng talakerang madir niya.
Mabaliw-baliw siya at hindi niya kinakaya tuwing rumaratatat na ang bunganga ng ‘monster’ na nanay niya.
As usual ay ang ganda-ganda rito ni Ruffa at hindi maikakailang mag-ama sila ni Tito Eddie Gutierrez, na may cute na cameo sa pelikula bilang tunay na ama ni Abi­gail na si Waldo.
Hilas na hilas siya sa tuwing tinatawag siyang ‘bebegirl’ ng madir niya. In fairness ay puno ng paglalambing ang term of endearment na ‘yon ni Esme, pero hindi ito ma-take ng laking-Amerikang si Abigail.
Kwelang support din si Eugene Domingo bilang loyal amiga ni Tita Annabelle at applauded ang OA na sagot ni Uge na, “Reeeaaally!!!!” sa Ingli­serang si Ruffa.
Ang nang-agaw nang husto ng eksena ay si Khryss Adalia na pinasakit ang tiyan namin bilang Bisayang baklang alahera na kaibigan ni Tita Anabelle.
Sobrang aliw kami sa garalgal at mapaus-paos na boses ni Direk Khryss sa tuwing nagdadayalog siya.
Animo’y pinagha­long boses nina Gollum at Kiko Matsing ang speaking voice ng hitad at walang ka-effort-effort ang mga patawa niya.
Bukas na ang showing sa mga sinehan ng pampalimot-problemang My Monster Mom.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites